CHAPTER 37: LET'S TALK

48 4 0
                                    

ALLIA'S POV

"Music please" ana ng MC.

Tumayo si Sharm at saka inilahad niya ang kamay niya saakin. Liningon ko si Matheo na kanina pa nakatitig saakin, pero binaliwala ko nalang iyon at saka tinggap ang kamay ni Sharm.

Inipatong ko ang kamay ko sa batok niya, siya naman ay nakahawak ngayon sa bewang ko.

Kung nalilito kayo bakit ko nakilala tong si Sharm, actually childhood bestfriend ko ito, bumisita kasi siya sa bahay kanina, tapos sinabi ni Mama na wala akong kapares sa party kaya siya nalang daw

Nagulat nga ako kasi sinabi niya pa na magjowa kami.

"Mas gusto ka atang sabihin?" tanong nito saka nakataas ang kilay.

"Meron talaga" inis kong sabi.

"Ano ba yun?" tanong nito.

"Bakit mo sinabing magsyota tayo, susmeyo ka Sharm" natawa naman ito sa sinabi ko

"Salamat ka nga kasi niligtas kita sa crush mong hindi ka naman crush" mahinang sabi niya pero narinig ko parin kaya hinampas ko ng mahina ang braso niya.

"Nang- aasar ka na naman eh!" inis kong sabi sa kanya.

Totoong alam niya na may gusto ako kay Matheo, chismoso kasi tong bestfriend ko, nalamangan pa niya ang bubuyog sa pagiging chismoso. Actually bago pa yan bumisita saamin nagpakwento muna siya, kaya nai kwento ko na gusto ko si Matheo.

At himdi pa yun nagtatapos guys, di ko pala alam na kilala niya si Matheo dahil basagulero tong bestfriend ko.

We're Getting Married [COMPLETED] (EDITING)Where stories live. Discover now