CHAPTER 52: MOMMY'S

40 3 0
                                    

THALIA'S P.O.V

GOOD DAY! 2 days nalang natitira para maisara na ang kasunduan ng Familia Miller at Familia Montefalcon.

Gusto ko sanang sabihin na simula nung makilala ko si Jane bigla nalang may mga matang palaging nakasunod sakin, hindi ko naman sinasabi na baka may misteryo siyang tinatago pero parang iba na kasi eh.

Kahapon ay galing rin ako sa National Book store para bumili ng bagong libro, may nakita akong lalaki na parang familiar saakin. Parang siya yung kasama ng mga kaaway ni Kuya.

Doon na talaga ako kinilabotan, siguro mga 4 na beses ko siyang nakikita ng araw na iyon. Dali dali na rin akong umuwi kasi baka may masama na naman na mangyaro sakin.

Hindi na rin ako nag kwento kay Kiro kasi baka mag alala siya, baka nagkakamali rin ako ng hinala na kasabwat ni Jane ang lalaking iyon.

Nagpapahinga ako ngayon sa bahay pero nagimbal nalang ako ng biglaang dumating si Tita Celene at saka niyaya kaming mag shopping, ayoko rin sanang sumama kasi tinatamad ako, kasi si Mom pinilit ako at saka pinagbihis.

Sabi niya.

"Anak, kailangan mong mag ayos ng sarili mo, malapit ka ng ikasal" sabi ni Mom

"Mom, matagal pa po noh" natatawa kong sabi.

"Kahit matagal iha atleast fresh ka parin" natatawang sabi ni Tita.

"Kaya nga mare" sang ayon sa kanya ni Mom.

"Oh, tingnan mo kami ni Mom mo, kahit matanda na PRETTY parin" ani ni Tita sa menodel ang mukha niya.

We're Getting Married [COMPLETED] (EDITING)Where stories live. Discover now