CHAPTER 85: SAVE MY SON

32 2 0
                                    

KIRO'S P.O.V

Okay! Time checked: 4:00 PM. Kailangan ko ng sundoin ang anak ko. Masaya ako tuwing hinahatid sundo ko siya, ang sarap sa pakiramdam na maging isang Tatay.

Kasama ko si Klent dahil sabay naming susundoin ang anak namin. Iisa lang ang gamit naming sasakyan. Ayaw kasing lumayo ni Klea sa anak ko, parang may something ata.

"Hindi ako makapaniwalang isa na akong ganap na tatay" ani ko.

"Ako nga rin eh. Masaya ako dahil biniyayaan ako ng isang napakagandang anak. Bagay sila ng anak mo-- aray ko!" daing niya. Binatukan ko siya dahil sa kalukohang pinagsasabi niya.

"Napaka bata pa ng mga anak natin, pag-aralin mo muna bago mo sila itulak sa isa't isa." ani ko.

"Kahit sa anong parte pa ng mundo ang anak ko at at anak mo parin ang magkakatuloyan, may tiwala ako sa anak mo. Alam kung hindi niya sasaktan ang anak k---"

"Tumigil ka na Klent. Oo na, wag kang mag-alala paglaki ng mga anak natin sila ang pupuntiryahan ko" ani ko kaya tumawa kami ng sabay.

Pagkadating namin doon ay hinanap ng paningin ko si Hero. Nagtaka ako dahil hindi niya ata kasama si Klea ngayon. Lumapit samin si Klea sabay binuhat ng Daddy niya.

"Daddy, hindi po kami sabay ni Hero" ni niya sabay sumimangot. Bagtaka naman ako kung bakit.

"Huh?Why?" Tanong ko.

"Someone came here po, tapos sabi niya po siya na maghahatid kay Hero. Ang bad nila po, hindi nila ako sinama" ani niKlea sabay umiyak.

Tumingin sakin si Klent ng may pagtataka. Nagsimula na akong kabahan dahil doon.

Anong nangyayari?

"Baby, are you sure na hinatid siya ng stranger?" tanong ni Klent.

"Yes po daddy,sabi po ni Kuya pogi pinapasundo po ni Tita Thalia si Hero kaya sumama po si Hero" ani ni Klea.

"Huh?Hindi naman sinabi sakin ni Thalia na may susundo pala sa anak namin. Sino naman iyon?" takang tanong ko.

"Dude, tanongin mo muna si Thalia. Baka nakalimutan niya lang sabihin sayo, alam mo naman ang mga buntis" ani ni Klent na sinusubukan niyang pakalmahin ako.

Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko saka tinawagan ang numero ni Thalia.

"Yes?Oh Kiro napatawag ka?Nasundo mo na ba si Hero?" nanlaki ang mata ko dahil sa bungad nito.

"A-Akala ko ba ay pinasundo mo na siya" utal na tanong.

"Anong pinasundo?! Wala akong sinabing ganyan" ani ni Thalia.

"Pero Honey wala dito si Hero" ani ko. Kinakabahan na ako sa sasabihin ng asawa ko.

"Ano?!Saan siya pumunta?K-Kiro?!" sigaw na ani ni  Thalia sa telepono.

"Calm down Honey, ako na bahalang maghanap sa kanya. Relax ka muna" ani ko. Sinusubukan kong pakalmahin ang asawa ko, delikado na dahil may dinadala siyang bata.

"Paano ako kakalma Kiro. Baka may kumuha sa anak natin" ani niya. Rinig ko ang hagulgol niya.

"Relax Honey, magiging maayos ang lahat. I'll do my best to find Hero" ani ko.

"Wait. Hintayin mo si Kuya. Pupunta siya dyan. Please Kiro hanapin mo ang anak natin" iyak na ani ng asawa.

"Okay, relax ka lang diyan Honey. Uuwi ako ng kasama si Hero okay? I love you" ani ko.

We're Getting Married [COMPLETED] (EDITING)Where stories live. Discover now