Chapter 39

11.9K 170 4
                                    

CHAPTER 39

"Naiintindihan ka namin Miss pero hindi ka pwedeng sumama, mas delikado..." paliwanag ng isang rescuer kay Kath. Kanina pa nya kasi pinipilit ito na isama sya sa pagrescue,

"Kuya, I just wanna make sure na he is fine..." sagot nya rito.

"Im sorry Miss, hindi talaga pwede" sagot ng lalaki bago ito umalis kasama ang dalawa pang lalaki may dalang mga tali.

Walang nagawa si Kath kundi sundin ang inutos ng mga ito sa kanila, "Mam, kailangan na po nating umalis" tawag ng lalaki na kukuha sa kanila palabas ng kweba

Hindi alam ni Kath kung paano sya nakalabas ng hindi manlang nahulog, nadulas o kung ano pa; dahil habang palabas si DJ lang ang nasa isip nya.

Nang makalabas ay umupo lang sya sa isang tabi at tahimik na umiyak, while saying a breath of prayers for DJ to come home to her safely.

She can't lose DJ; ikakasal pa sila, magkakapamilya pa sila at tatanda pa silang magkasama. Hindi sya pwedeng iwanan ni DJ. Hindi nya kakayanin, mamamatay din sya.

Mas kinabahan si Kath ng makita ng ambulance na dumating at naglabas ng isang stretcher... Napatayo sya "anong nangyayari?"

Pero parang walang nakarinig sa kanya dahil pumasok agad sila sa kweba. May isang babaeng lumapit sa kanya para alalayan sya papaunta sa bungad ng kweba... "Miss, nakalabas na ata yung kasama mo"

"Pero bakit may stretcher...." ayaw ni Kath na magisip ng hindi maganda, pero bakit kailangan ng stretcher? Hindi na ba ito makalakad? May buhay pa ba ito? Patuloy lang sya sa pagiyak.

Hindi nagtagal ay lumabas narin sila, bitbit ang isang stretcher, nakahiga doon ang basang si DJ na may dugo sa ulo.

"Sino pong kasama ng biktima?" Sigwa ng lalaki, agad naman syang lumapit para sabihin na sya.

Dinala nila si DJ sa pinakamalapit na hospital, nakikita nyang napapamulat ito ng mata, pero pipikit ulit... parang walang lakas na imulat ang mga ito.

"Nadulas sya, buti nalang maayos ang pahkakatali nya ng lubid sa bato at hindi sya nahulog, tumama ang ulo nya sa bato kaya may dugo..." paliwanag ng isa sa rescuer sa kanya.

Habang umiiyak at naghihintay kay DJ sa ER dahil patuloy ang mga test na ginagawa dito... maya maya ay lumabas narin ang Doctor.

Napatayo agad sya "Doc kamusta po si DJ?"

"Miss, ok na sya... nahilo lang siguro sa pagkauntog kaya nawalan ng malay,. Ayun sa CT Scan wala namang problema, may bali lang sya sa paa, pero gagaling din naman..." napahinga sya ng maluwag sa sinabi ng Doctor.

...................

"Kath..."

"Kath..."

Nasa isang private room na sila, maliit lang ito dahil hindi naman kalakihan ang hospital, halos ilang oras na silang andoon. Natawagannarin ni Kath ang mga kaibigan at pamilya... papunta na sila dito.

"Kath..." naalimpungatan si Kath ng parang may tumatawag ng pangalan nya. "Dj?..."

Nakita nya si DJ na nananaginip na tinatasag ang pangalan nya... napangiti naman sya hinaplos nya ang mukha nito"Love... you're safe now..." bago nya ito tuluyang gisingin.

"Kath..." yan ng unang sinabi ni DJ ng maimulat nya ang mga mata at makita si Kath. Ngumiti naman si Kath and kissed his cheeks..

"Im sorry Kath kung pinagalala kita... iniwan kita ng magisa... dapat hindi ako umalis sa tabi mo," hinang hina na sabi ni DJ.

"DJ its ok, as long as you're safe... ok na ako doon." Kath.

................

"Yan ang napapala ng hindi nagyayaya..." pangaasar ni Kats. Halos kakarating lang nila galing manila. Kasabay nila ang parents ni Kath. Ang mommy kasi ni DJ ay nasa labas ng Bansa.

"Wag nyo na nga akong sermonan, nasabon na nga ako ni Tito Manuel kanina eh..." Pinagalitan kasi sya ni Tito Manuel, hindi naman dahil naaksidente sya, kundi dahil walang nakakaalam na dumiretso sila sa Sagada.

"Paanong di ka papagalitan, parang tinanan mo yung anak nya..." sagot ni Seth

"Hindi naman... gusto lang namin magunwind.." DJ

"Unwind? Sa Sagada?!" Singit ni Lester habang kumakain ng fruits na sila rin ang may dala "Bro alam ko na maganda talaga ang Sagada, but its not a perfect place for lovers... mas ok sya for Barkada trip..."

"Unwind pala gusto mo dapat sa Bohol, Palawan o sa ibang bansa... hindi dito magkicaving kayo na kayo kayo lang..." Lester

"Oo na, alam ko na. Ako na mali. Im just so happy na nabuhay pa ako..." DJ

"You're right bro, kasi kung namatay ka... Kath might died also." Seth

...............

AN: Hello guys,. Sensya nagresearch pa kasi ako for this episode.. hahaha Anyway, Gagawa ako ng twist. Kunwari marunong. Pero sa following chapters pa. Try lang kung kaya. ^_^

SHE TAUGHT ME HOW [He Taught Me How Sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon