Chapter 53

14.3K 192 13
                                    

CHAPTER 53

"Bro, parang kinakabahan ka ah... wag ka mag alala darating si KC" natatawang sabi ni Kristoff ng inakbayan nya si DJ. "...ikaw naman kasi ang aga mo, 8:45 palang oh"

"Mabuti ng maaga, kesa naman si Kath pa ang paghintayin ko.." sagot ni DJ. ".. pero kinakabahan talaga ko Kuya."

Natawa naman si Kristoff "Ganyan talaga,. Sa preparation mo for this day, excited ka and when you reached the venue and waiting for your bride, nakakakaba talaga"

"Oonga.. kanina halos hilain ko ang oras para mag 9am na para kasalan na, ngayon parang bawat segundo nakakakaba.." DJ

"Wag ka kabahan, darating si Kath." Napangiti nalang si DJ. Ganun pala talaga kapag ikakasal ka, kahit na sure ka na darating yung bride mo, hindi mawala na kabahan ka for some reason.

..............

"Wow Kath, this is perfect..." sabi ni Ari ng makita ang karwaheng sasakyan ni Kath. From gate hanggang sa tapat ng theatre sya nito ihahatid.

Si Kath hindi na nakasagot, nakangiti nalang sya sa excitement.. pinasakay na sya sa karwahe at nauna na ang mga kaibigan sa venue.

Its DJ's idea na sumakay sya sa isang karwahe,. And she finds it so romantic. Minsan nga nahihiya na sya dahil DJ knows all the romantic strategy, tapos sya ang trabaho nalang nya ay kiligin.

Ilang minuto nalang makikita na nya ang groom nya, ilang oras nalang magasawa na sila. Excited sya dahil kinabukasan, panibagong chapter nanaman ng buhay nila.

......................

Nasa hindi kalayuan na ang karwahe, natatanaw na ito ng marami. Kaya sinimulan na nila ang wedding march.

Nagbigay na ng cue ang wedding organizer nila, ready na ang lahat. Kaya nagsimula na ang Philharmonic Orchestra na tumugtog ng Palchebel Canon.

Nauna nang bumaba si DJ. Hindi nya mapigilan ang ngiti sa kanyang labi. Ito na yun, ito na yung hinihintay nya. Napatingin sya sa Orchestra, and memories keep flashing back.

Almost two year ago, andito rin sya with Kath. At may kasalan din sa mga panahon na yun...

"Its romantic..." yan ang hindi nya malilimutang sinabi ni Kath habang nanonood sa kasal ng iba dito sa lugar na to.

Dito nya rin nalaman na gusto ni Kath ng garden wedding. Biblical daw kasi dahil kay Adan and Eve.

Dito rin sa baguio nalaman ni DJ na Kath can play piano. Kahit happy birthday at Canon lang ang alam nito. Napangiti sya lalo ng maalala nya ang panahon na yun.

Now, their making memories together. Memories that will last forever. And forever starts here...

.....................

Kanina pa nagsisimula ang marching, mas lalong kinakabahan si Kath. Bumababa na ang mga sponsors nila malamang.. Matamang pinakinggan nalang nya ang kasalukuyang itinutugtog ng Orchestra. Ang palchebel Canon habang mabagal at maingat paring umaandar ang karwahe.

Dati kapag naririnig nya ang Classic music na 'to naalala nya lang how competitive she was. Pero when she played this song for DJ's birthday, it reminded her how she fell inlove with DJ.

Naunang bumaba na ang mga magulang ni Kath. Hihintayin nalang sya nito sa dulo ng hagdan. Mas pinili nila na maghintay ang mga magulang nila sa baba, dahil it portrays how Kath came into her parents. And after that ihahatid nito si Kath kay DJ,.

Si Kristoff naman ang magaalalay kay Kath. Dapat kasi isa lang si Kath na maglalakad, kayalang kasi for safety, kailangan alalayan si Kath.

"Ladies and Gentlemen... the Bride" automatic naman na tumayo lahat. At nagbago na ang music. Nagsimula ng kumanta si Gary Valenciano at Sarah Geronemo. Nirequest talaga sila ni DJ, may pera naman sya pangbayad eh.

SHE TAUGHT ME HOW [He Taught Me How Sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon