Chapter 40

13K 180 4
                                    

CHAPTER 40

"Oh, DJ... andito ka pala" bati sa kanya ni Niel. "...magisa ka ata."

"Di ko na sila niyaya, saglit lang naman ako... nagpapanatok lang..." sagot ni DJ

"Nagpapaantok? Dapat talaga sa bar? Pwede naman sa Condo mo nalang..." napailing sya sa sinabi ni Niel. Kilala na nga sya nito, dahil alam nyang hindi gawain ni DJ ang basta basta pumupunta ng bar para uminom. Meron naman sya sa condo.

"Bro... may problema ka no?" Niel

"Wala..." DJ

"Alam mo lately napapansin ko may kakaiba sayo... nagcheat ka kay Kath no?" Pabulong na sabi ni Niel na parang sobrang sekretong malupet ang usapan.

"Hoy hindi ah...!!" Hindi yun gagawin ni DJ. Marami lang gumugulo sa isip nya.

"Eh kung hindi... bakit mukha kang soraulo ngayon?" Napatitig si DJ sa basong hawak na may lamang alak. Bakit ba sya nagpapaapekto sa sinpleng pangyayari.

Flashback

"On the way na ako... in five minutes andyan na ako" sagot ni DJ sa kausap sa cellphone. Kasalukuyan syang nagmamaneho. May mga dapat syang asikasuhin...

Mas binilisan nya pa ang pagpapatakbo ng sasakyan nya, dahil kanina pa sya hinihintay ng imi-meet nya ngayon.

Traffic light: RED. Kaya kinakailangan nyang huminto. When it turned red, agad nyang pinaandar ang sasakyan, but this time hindi kabilisan. Ngunit hindi pa sya nakakaalis sa crossing, bigla nalang may bumanga sa sasakyan nya, dahilan na maibangga nya ito sa isang poste. He is lucky enough dahil sa seatbelt nya at car safety baloon ng kotse nya.

FLASHBACK ENDS

"So are you saying na kaya ka ganyan dahil sirang sira ang favorite kotse mo?!" Tanong ni Niel.

"Hindi bro... madali lang ayusin ang sasakyan; pero alam mo naisip ko..." huminto sya bahagya at uminom ng alak "bakit parang ang lapit ko sa disgrasya?"

From Sagada to Manila, at iba pang simple incident na parang hinahabol sya ng kamatayan. Ok lang sana kung minsanan lang eh... pero bakit parang sunod sunod...

"Bro, pressured ka lang kasi malapit ka ng ikasal..." Niel

"Ano to? Wedding jitters?" Napailing si DJ "...hindi itp wedding jitters... its seems like death is chasing me"

"That's paranoia bro... you're just pressured which causes you to become clumsy kaya ayan sumasablay ka.." paliwanag ni Niel

Hindi na umimik si DJ. Hindi sya convince, he has this feeling na parang something's gonna happen sooner.

....................

Mabilis pang lumipas ang panahon. And now, 3months to go nalang ikakasal na si DJ and Kath. Mas naging busy silang lahat. Nagsimula narin silang ayusin ang mga papeles na kailangan para sa kasal. Nag attend narin sila ng mga seminars na kailangan.

"Wow, ang sarap ah..." nasa Condo sila ni Kath ngayon. Nagluto kasi si Kath ng ibang putahe na natutunan nya sa cooking session nya sa isa sa mga chef ni Seth. Request yun ni Kath.

"Ang galing ni Chef Denny sobra... sa susunod try natin yung Pakbet Ilocos nila..." sabi ni Kath.

Simpleng putahe lang ang pinagaralan nya, yung tipong pangbahay lang na hahanap hanapin ng asawa nya kapag umalis ito.

"Ang sweet naman ng magiging misis ko..." niyakap sya ni DJ mula sa likod. Kahit na noong una tinawanan nya ito ng sinabi sa kanya na magpapaturo ito magluto sa Chef ni Seth.

"Syempre... para hindi mo ako ipagpalit sa iba..." biro ni Kath. Gusto nya lang talaga maging isang mabuting asawa kay DJ, kaya she has to dom something for her preparation.

"Hindi ko na gagawin yun..." sagot naman ni DJ na nakayakap parin sa likod ni Kath "..wala ka kayang katulad"

"hmm.. nangbola pa..." Kath.

Masayang kumain ang dalawa at nagpatuloy na sa pagkikwentuhan... nagbibiruan, nagtatawanan.

Kapag kasama nya si Kath, nakakalimutan nya lahat ng worries, kaba at takot nya. Hindi nya alam bakit pa nararamdaman nya ang sobrang takot, pero dapat magpakatatag sya.

Kung si Kath ginawa ang lahat ng effort para maging mabuting asawa sya kung kasal na sila. Kaya dapat sya din mageffort, hindi yung kung ano-anong bagay ang iniintindi nya.

SHE TAUGHT ME HOW [He Taught Me How Sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon