Chapter 45

12K 165 11
                                    

CHAPTER 45

Napatitig si DJ sa reflection ng sarili mula sa salamin na nasa banyo nya. In two days, nagbago agad ang mukha nya. Aaminin nya, mukhang mabaho na sya, ang gulo ng buhok, at pumayat sya.

Ngayon, alam na nya ang gagawin nya. At sisimulan nya ang ang lahat sa pagliligo at pag ayos ng sarili. Haharapain nya ng tama ang lahat, pupunta na sya ng hospital.

Matapos ang ilang halos isang oras na paliligo, ay nagbihis na sya. Pati pala ang nga kaibigan nya na nagsumbong sa Daddy ni Kath, kakausapin na rin nya. Hindi pa naman huli ang lahat, hindi ba?

....................

Nang natapos ipark ang sasakyan, parang biglang kinabahan si DJ. Baka kasi galit na galit padin and Dad ni Kath, pero kailangan nyang harapin ito.

"Goodmorning Miss, san ba dito ang room ni Kathryn Bernardo." tanong nya sa nurse.

"ah Sir, room 241 po." Sagot ng Nurse. Pinaalalahanan pa sya na maghugas ng kamay, bago pumasok sa ICU room. Matapos magpasalamat ay pinuntahan na nya ang room ni Kath.

Pero nasa malayo palang sya, natanaw na nya si Mr. Bernardo na kakalabas lang ng kwarto ni Kath. Napahinto ito ng matanaw si DJ, pero nang makabawi nagpatuloy din sa paglalakad.

"Goodmorning Sir..." bati ni DJ.

"what are you doing here young man?" Mr. Bernardo

Mas bumilis ang tibok ng puso ni DJ sa kaba. Para syang anak na gumawa ng kasalanan at naghihintay ng isang malakas na palo. "Sir, bibisitahin ko lang po si Kath."

Napatingin sa kanya si Mr. Bernardo "...papaalalahanan lang kita, hindi pwede ang gulo dito."

"Sir, sorry po sa mga nangyari.. hindi na po mauulit." magalang na sabi ni DJ. "...pero andito po ako para gawin ang gusto nyo"

.............................

Tinititigan ni DJ ang mukha ng girlfriend. Pinipigilan nya parin umiyak dahil nahihiya sya sa nurse. Maraming nakakabit sa katawan ni Kath... nakakabit ito sa isang malaking machine na nasa may kaliwang bahagi ng kama.. "Miss pwede ba magrequest?"

"Po? ano po yun?" medyo nagulat kasi ang nurse ng tawagin sya ni DJ.

"May stethoscope ka ba? gusto ko kasing marinig ang heartbeat ni Kath, ok lang ba?" Pakiusap ni DJ.

"ah, sige po..." kinuha ng nurse ang steth at inilagay sa dibdib ni Kath for the best access ng heartbeat ni Kath. "Sir, ito na po oh"

Inilagay nya ang steth sa magkabilang tenga, at pinakinggan ito. Napangiti sya sa narinig nya "Ang lakas ng tibok ng puso nya,.. siguro kinikilig sya sa presensya ko" medyo nanginginig na boses ni DJ. Dahil naiiyak na sya.

Napangiti naman ang nurse, "Siguro nga Sir." maya maya umalis na ang nurse at si DJ nalang ang naiwan kasama si Kath.

Hinawakan ni DJ ang kamay ni Kath. At hindi nya na napigilan ang maiyak "Kath, pasensya ka na kung ngayon lang ako nakapunta ha"

"Hindi ko kasi kaya na makita ka na ganyan.. Pero ito oh, kaya ko rin pala, kahit masakit... Kath, mahal na mahal kita. Kaya nga takot na takot ako sa mga pwedeng mangyari sa susunod na segundo, minuto o oras manlang.... natatakot akong tuluyang mawala ka sa akin.."

"...hindi ko narin kasi alam ang gagawin ko eh. Hindi ko alam paano haharapin ang lahat,.. kaya nga gagawin ko kung anong tama..."

"...Im letting go Kath."

Matapos sabihin iyon ni DJ, isang patak ng luha ang nakita nya, mula sa nakapikit na mga mata ni Kath.

SHE TAUGHT ME HOW [He Taught Me How Sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon