Chapter 52

14.1K 201 5
                                    

CHAPTER 52

Napatitig si Kath sa reflection maganda nyang mukha sa salamin. She's now on her wedding dress. Kakatapos lang sya ayusan. From her wedding dress hanggang sa make up, lahat simple lang... pero dahil si Kathryn Bernardo ito, lahat nang simple nagiging elegant tingnan.

"Miss Kathryn, may package po kayo..." sabi ng wedding coordinator nya hang bitbit ang isang malaking frame.

"San galing yan?" Tanong ni Kath,

"Edi sa groom..." kinikilig na sagot nito. Napangiti naman si Kath, "ano nanaman pakulo ng lalaking yun?"

"Open it na..." excited na sabi naman ni Julia na pumasok pa talaga sa loob ng room ni Kath kasama ng iba pang girls. Nakabihis narin silang lahat.

Kath tore down the brown paper na nakabalot dito. And when she's done "Wow!!" Yan lang ang sabi nilang lahat.

It was like a bulletin. Dahil yung frame na halos kalahati ng height ni Kath ang size ay puno ng post it na iba ibang kulay. Organize itong nakaayos, na halatang ginawa ng expert, meron lang glass na pumoprotekta rito.

Tiningnan nya ang likod ng frame and saw a paper na nakadikit. It was a letter, syempre para galing kay DJ.

Mrs. Padilla,

I have here my 149 notes for you. Alam ko nabasa mo na 'to, but this will be our reminder that we are stronger now to face every trials in the future. And ny 150th note will be my vow to you.

Your husband

Napangiti si DJ sa nabasa, Tiningnan ni Kath ito isa-isa ang mga notes. Naalala nya, ito nga yung mga nakaroll na post it sa fish bowl. Yung 149 notes ni DJ noong nasa hospital sya. Its a list of things na namimiss ni DJ during those times and list mga bagay na minahal nya kay Kath.

"I miss your lips touching mine" binasa ni Julia ang nasa isang post it. "...in fairness., nakakakilig"

"I miss how you rest your head on my chest while I hum a song for you" basa naman ni Ari "...ang cheesy huh"

"I love how your hands perfectly fits mine.." si Yen nanaman ang nagbasa "...ang sweet" kinikilig na sabi ni Yen

"I miss how you blush after we kiss" si Annie naman ang nagbasa "nagba-blush ka talaga Miss?"

"Tumigil na nga kayo..." saway ni Kath. "Akin 'to binigay, bakit nyo binabasa?" namumula si Kath dahil nahihiya sya.

"OH my," maarteng sabi naman ni Julia "...that's your face after you have been kiss? Kasi you're blushing right now Kath; was he a good kisser?"

Mas lalo pang namula si Kath. Her friends won't stop from interogating her. "Akin na nga yan,.." sabay bawi sa frame. Baka may iba pa silang mabasa.

"Ok, Miss Kathryn pictorial na muna tayo.." tawag naan ng coordinator. At nagready naman lahat.

Habang nagpipictorial, napaka effortless ng ngiti ni Kath. Dahil hindi na nya matago ang saya na nararamdaman nya. Finally ikakasal na sila ni DJ. This day magsisimula ang new chapter ng buhay nila ni DJ.

Naalala ni Kath yung 149 notes ni DJ, bahagya nya itong sinulyapan, nasa gilid kasi ito ng kama. Napangit sya nang maalala nya yung panahon na binabasa nya ito... walang paglagyan ang kilig sa katawan nya.

"I miss your sweet voice while calling my name"

"I miss on my kitchen"

"I miss how you wrap your arms around me while we're watching movie"

"I miss how we make up after a fight"

"I miss how get jealous when girls smile at me"

"I miss you out of tune voice"

SHE TAUGHT ME HOW [He Taught Me How Sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon