Everything Has Changed

21 1 2
                                    

Umalingawngaw sa buong paligid ang sirena ng humaharurot na ambulansya galing sa kabilang ciudad. Kinilabutan ako. Ano kayang nangyari sa pasyenteng iyon? Napabuntong hininga nalang ako ng malalim. Ilang daang milya na rin ang aking nalakbay mula Iligan City at milagrong hindi pa bumibigay itong second hand na Adventure na gamit gamit ko simula pa noong isang taon.

 Hindi ko na ininda ang aking cellphone na magdadalawang araw nang patay dahil narin sa ayaw kong obligahin ang aking sarili na sagutin ang nakakabinging sermon ng aking mga magulang. Sa huling sandali ng aking buhay, ayaw kong baunin ang mga boses ng aking mga magulang.

Nadatnan ko ang matinding traffic sa Cagayan de Oro. Saktong nagugutom ako ng mapagpasyahan kong kumain na muna sa malapit na Jollibee tyaka magmaneho ulit. Mahaba-habang biyahe ang papuntang Surigao del Norte. Plano ko kasing baybayin ang buong Northern Mindanao. Sa Siargao kung saan di pa ako nakakapunta, doon ko na wawakasan lahat.

Opo, ako po ay isang walang kwentang tao. Kaya naman gagawa ako ng isang bagay na makakapagpabuti ng ating mundo. Ang ako'y tuluyang mawala na. Siguro tatalon ako sa roro? Magpapaanod sa mga alon? Kaso baka naman galos lang ang abutin ko gaya nang sinapit ng anak ni Karen Davila. Pag-iisipan ko nalang pagkarating doon.

Binaybay ko ang mala-ahas na daanan ng National Highway System ng Misamis Oriental. Masasabi kong ito ang una kong Road Trip kung saan ako mismo ang nagmamaneho. Sanay akong bumiyahe kung saan ko man gustuhin, ngunit nakaeroplano nga lang, o di kaya naman ay may ibang tagamaneho ng kotse.

Nasaksihan ko ang pagbabago ng mga tanawin. Unti-unti nang nababawasan ang pagiging urban ng paligid, hudyat na malayo na nga ako sa Cagayan de Oro. Tahimik at kakaunti lamang ang mga sasakyan na siyang nagpagaan ng daloy ng trapiko, at siya rin naging dahilan kung bakit muntikan na akong makatulog at makabangga ng taong noon ay tumatawid sa kalsada. Bigla akong napahinto at lumabas ng sasakyan para suriin ang kanyang kalagayan. Nadatnan ko siyang pinulot ang kanayang malaking Osprey backpack na nalaglag matapos siyang madapa dahil nadin  sa gulat.

"Sorry! Sir Sorry!", ang tanging nasabi ko. "It's my first time driving. I'm so sorry!", Ingles ang aking paghingi ng paumanhin dahil napansin kong parang dayuhan ata ang muntikan ko nang mapatay.

Habang nakayuko siya at inaayos ang kanyang backpack, napansin kong pamilyar ang taong iyon. Tumingala siya. "Fuck yeah. You almost killed m─Tin?", gulat na tanong ng lalaki na siyang tumayo agad at binagsak ulit ang kanyang hawak na backpack. Napatingala ako dahil narin sa angkin niyang tangkad na halata naman nakuha niya sa kanyang amang Amerikano. Nagningning ang kanyang mga kulay mapusyaw na tsokolateng mata. Malalim ngunit misteryoso.

"I can't believe this!", hawak hawak niya ang aking magkabilang balikat at niyuyogyog ako. Kumalas ako.

"Ikaw! Anong ginagawa mo dito?", tanong ko habang nakapamaywang.

"I... should be the one asking... you that. Anong ginagawa mo dito?", tila nalilito sa sasabihin, ngunit pinili niyang taasan na lamang ako ng kilay. Matagal-tagal na rin nang huli kong makita ang mga makapal niyang kilay na nagtataas baba tuwing inuusisa ako.

Matagal -tagal narin.


***


14 months ago


"Ikaw naman Tin!", inabot sa akin ni Albert ang shot glass na punong puno ng Empi. Bagamat hindi man ako sanay uminom ay sinubukan ko din. Sinubukan ko na dahil kalian ko pa ba iyon gagawin? Naghiyawan silang lahat nung inubos ko iyon na siyang kinasira ng aking mukha. Nakakailang shot na din ako, at halatang halata na ang aking pamumula sa tuwing pumupunta ako sa banyo at tumitingin sa salamin. Ramdam ko na ang tama ko. "Hoy tama na yan. Baka patayin tayo ng nanay ni Tintin", pagsaway ni George sa kanila. "Oh ano? Kaya pa?", bumulong siya sa akin at ako lang naman ay umiling. Tumagal hanggang alas dos nang madaling araw ang inuman at napagpasyahan naming umuwi na. Dinala ako ni George sa Condo na nirerentahan naming dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lonelyboy PlaylistWhere stories live. Discover now