"Like Summer, a love affair can be as fleeting as the heat and breeze."Bakit nga ba mahirap iwasan ang manatili sa isang kathang-isip na paraiso? Alam ni Freddy sa kanyang sarili kung ano ang mayroon sa kanilang dalawa ni Brandon: BREAKABLE HEAVEN. Iyong langit na hindi permanente. Iyong langit na pwede mong wakasan kailan mo man gustuhin. Iyo n ang langit na tila sa isang tagong silid lamang nagiging buhay.
---------------------------------
APRIL
Habang hawak ng kaliwang kamay ko ang isang bote ng beer, sumandal ako sa isa sa mga poste ng malawak na lanai ni Phil. Masyadong okupado si Phil na nasa isang bangko doon sa sulok ng kanilang hardin, kausap ang bago nilang kapit-bahay. Ang iba ko namang kasamahan ay may kani-kaniyang mga inaatupag. Habang pinagmamasdan ko ang mga taong abala sa kani-kanilang mga mesa na nagkukwentuhan at kumakain, pinikit ko lamang ang aking mga mata at huminga ng malalim.
Gusto ko nang umuwi.
Napadilat ako nang biglang tumugtog ng malakas ang isang napakapamilyar na kanta. Sunod-sunod ang tunog ng mabibigat na bass.
Cruel Summer.
Lumingon ako sa may kusina kung saan nandoon ang sound system. Si Erika, nakangiti sa akin. Alam niyang gustong gusto ko ang kantang iyon. Nabuhay ang aking loob at sumasabay ang aking ulo sa ritmo ng kanta. Kumanta ako ng mahina, nakasandal parin. Dahan dahan akong umupo sa sahig. Inilapag ko ang beer at pumuweso ng parang mongheng nagdadasal, nakatingin sa hardin na puno ng tao at ilaw. Kumakanta ng mahina.
"What do you think of the bridge?", isang boses ang biglang umalingawngaw sa aking tainga. Bahagya akong nagulat nang malaman ko kung kaninong boses iton. May kaunting hiya akong naramdaman nang umupo siya sa tabi ko. Halos isang dangkal lamang ang layo niya sa akin. Isang dangkal? Tatlo? Lima? Hindi ko alam. Hindi naman ako teknikal sa mga sukat.
"Hm?", hindi ako agad nakasagot. Uminom siya ng beer at inilapag iyon sa sahig. "That song. The bridge. What do you think?", sabay taas ng isang kilay niya.
"I think it's the very culmination of her breakable heaven", ang tanging naisagot ko. Napaisip tuloy ako kung tama ba iyon. Pero opinion ko lang naman.
"Your favourite metaphor?", tanong ulit niya. "No rules in breakable heaven, huh?"
"That's the ultimate flaw of having secret heavens.", sagot ko. "Secret heavens are illusions we all make. No rules, yes. We break it whenever we want to but we end up being broken, too.", psahabol ko. "Or at least the other one. The unlucky one."
"Oh, relate ba?"
"Hindi naman", sa tutoo lang, medyo. "I know my boundaries". Mahina akong tao pagdating sa mga No-Strings-Attach na usapan.
Marupok, putangina.
"But you love the song", pahabol niya.
"Because it's well written. Well-produced." , sagot ko. "and I can't relate", tumawa lamang kaming dalawa.
Hindi ko akalaing hahaba ng ilang oras an gaming pag-uusap. Bakit nga ba naman niya ako kakausapin? Iniisip kong marahil ay wala lang din siyang makausap at nababagot narin; naghihintay na lamang na makauwi. Ngunit dahil pareho kaming may "friendship obligations", at malapit narin sa amin ang mga magulang ni Phil na kakabalik lang mula Europa, pareho naming gustong makisama o makiisa man lang at tapusin ang munting piging na inihanda ng pamilya. Kung ano man ang dahilan niya, masaya narin ako.
Sino nga ba si Brandon?
Si Brandon. Siya iyong tipo ng tao na tititigan ng halos lahat ng makakasalubong niya. "Good Catch" kung iisipin. Labi. Kilay. Mga mata. Ilong. Lahat ng iyon ay minamasdan ko habang kami ay nag-uusap. Maraming detalye ng kanyang buhay ang kanyang ibinahagi sa akin. Cum Laude. Masasabi kong may kaya sa buhay. Sumasali siya dati sa mga male pageants. Maganda ang boses. Ngunit nagmarka sa aking isipan ang pagkahilig niyang uminom ng pineapple juice gabi-gabi. Hindi ko alam kung bakit ngunit sa tuwing naiisip koi yon, napapangiti na lamang ako. Alam kong ramdam niya ang aking pagkahumaling sa kanyang mga mata. Sa makinis at maganda niyang mukha. Sa hulmado niyang katawan na pansin ko kahit may kaluwagan ang puting t-shirt na suot niya. Sa mga labi niyang mapupula, tila sumasayaw sa tuwing nagsasalita siya. Sa mga istorya ng buhay niya. Lahat.