Breathe (2/2)

7 1 2
                                    

Cris



Lumipas ang ilang linggo at nagpatuloy ang konstruksyon sa Tagaytay. Malapit na itong matapos at maturn-over sa mag-asawa. Makakahinga nadin ako, wika ko sa aking sarili. Ayaw ko nang makipagsapalaran sa linggo-linggo kong pakikipagkita at pakikitungo kay Phil. Alam kong iyong nakaraan namin ay pawang away-teen-ager lamang, ngunit hindi ko parin maitago ang katutuhanang hanggang ngayon, nasasaktan parin ako. Hanggang ngayon, umaasa parin akong marinig mula sa kanya ang "Napatawad na kita", kahit hindi na iyong "Mahal parin kita".

Napakahabang panahon na ang lumipas para umasa ako sa isang bagay na alam kong malabong mangyari. Kahit alam kong imposibleng ibalik ang nakaraan, may kung anong boses ang bumubulong sa akin na "malay mo". Ngunit lahat naman ng mga paniginip ay may katapusan. Sa tuwing ang simpleng meeting ay nagiging bangayan. Sa tuwing ang simpleng pag-uusap ay nagiging pagtatalo. Sa tuwing ang simpleng pagpili ng materyales, pintura at mga aksesorya para sa bahay ay nagiging malaking "issue". Minsan ay nagkakatinginan na lamang si Boss at ang mag-asawa. Naiilang. Nahihiya sa aming inaasal. Alam kong hanggang ngayon ay hindi parin niya ako pinapatawad, ngunit hindi ko rin kayang mapahiya sa harap ng mga kapwa ko propesyunal. Hindi ako maaring magpatalo. Madalas, napipikon siya sa aking pagsagot. Pilosopo ako sa mga taong pilosopo. "Treat others the way you want them to treat you", isang lumang kasabihan.


Isang linggo ang lumipas at bumisita ako sa bahay na kasalukuyang tinitirahan na ng mag-asawang Perez. Ngunit walang tao sa bahay maliban ang dalawang kasambahay. Pinapasok ako ng bahay dahil nabilin nadin ng mag-asawa na bibisita ako. Bawat sulok ay inusisa ko. Nilibot bawat kwarto, kusina at banyo. Pagkapasok ko sa isang kwarto, sa pinakasulok ng ikalawang palapag, ay naabutan kong may naliligo sa banyo ayon narin sa narinig kong lagaslas ng tubig. Agad itong natigil at tumunog ang pintuan. Bumungad sa akin ang baang katawan ni Phil, nakatapis ng tuwalya.

Napatalikod ako bigla at inabot ang door knob upang lumabas. "What are you doing here?", tanong niya mula sa likod ko.

"Just checking", nauutal kong sagot. "Your aunt asked me to visit the house. I'm actually leaving now. Bye", binuksan ko ng tuluyan ang pintuan ngunit biglang humiwalay ang aking pagkakahawak sa door knob at bumagsak pasara ang pintuan. Nakita ko ang braso niyang nakasandal dito. Matipuno ang kanyang mga bisig. Tamang tama lamang sa katawan niya.

Sumandal siya patagilid sa pintuan at kinandado niya iyon. Pilit kong pinakitang wala akong ibang nararamdaman sa mga oras na iyon. Ngunit alam ko, ilang segundo ang lilipas ay bibigay ako.

"Tell me why you're here", Ngunit wala siyang narinig na sagot mula sa akin at sa halip ay isang mapwersang halik ang ginawa ko. Hindi siya nakakilos agad nang bigla kong pinisil ang kanyang mukha at itinulak ang aking katawan sa kanya upang magkadikit kami. Kahit mas matangkad siya, pinilit kong gawin iyon. Tumutol siya sa pamamagitan ng pagtulak ng ilang beses sa akin hanggang sa magkahiwalay ang aming mga katawan. Nang napasandal ako sa pader ay natauhan ako.

Nakakahiya.

"Sorry", bulong ko sapat lamang na marinig niya. Tumalikod ako sa kanya at idinikit ang aking noo sa pintuang nakasara. Kinapa ko ang door knob at inikot iyon. Huminga ako ng malalim at humingi ulit ng despensa sa aking ginawa. Hindi ko na tuluyang nabuksan ang pintuan ng halos matumba ako patalikod dahil sa paghila niya sa aking braso. Doon, niyakap niya ako ng mahigpit at pinaghahalikan. Walang ingay sa buong kwarto maliban sa aming mga paghinga. Maliban sa tibok ng aming mga puso na tila nakakabinging musika. Sa bawat pagkiskis ng mga balat. Sa bawat ungol dahil sa sensyasyong naghahatid ng ligaya. Sa pag-ibig na para bang bumabalik.

The Lonelyboy PlaylistWhere stories live. Discover now