Stay, Stay, Stay (2/2)

13 1 0
                                    




Sa dami ng napagkuwentuhan namin ni Victor, hindi naming namalayang nagpaikot-ikot na pala kami sa Esplanade. Papalubog na ang araw at ang kalangitan ay nag-uumpisa nang maging kulay rosas. Pasado alas otso na sa mga oras na iyon, ngunit may kaliwanagan parin ang langit. Iba naman kasi ang takbo ng oras sa Singapore. Naging magaan din ang aura niya sa akin. Marahil napapalagay na naman ako sa kanya.

"Wag kang gumalaw. Diyan ka lang", umatras siya mula sa akin at itinaas ang kanyang cellphone.

"Wag kang gagalaw. Okay. 1,2,3...", kumuha siya ng litrato ko. Ako naman ay nailang sa ginawa niya ngunit sinunod ko lamang siya. Habang ginagawa niya iyon sa akin tuloy tuloy ang aking pagngiti sa camera. Binaba niya ang camera at tumitig lamang sa akin. Nagsuklian lamang kami ng titig at ngiti. Ngunit sa kabila ng tilang pwersang pilit na dumudugtong sa aming mga paningin, tila may kung anong nagtulak sa akin na umiwas.Na umilag. Agad akong lumingon sa gusaling hugis durian. Ilang minuto kong ginugol ang aking pag-inspeksyon sa bawat detalye ng ikonikong istruktura. Bawat kanto, bawat talim ng disenyo. Nakatingala lamang ako nang bigla siyang lumapit sa akin at nagsalita ng marahan,

"Addie"

"Hm?", mahina kong sagot. Hindi man lang ako lumingon sa kanya. May kakaiba akong bigat na naramdaman sa mga oras na iyon.

"Addie"

"Why?"

"Napatawad mo na ba ako?", sa pagkakataong iyon ay agad napalingon ako sa kanya. Tila "dam" na nagmistulang sasabog ang aking mga mata. Nangingilid man ang mga luha ay ginawa ko parin ang lahat upang mapigilan iyon. Hindi ko alam kung nagtagumpay ako sa pag-pigil ngunit ang alam ko, nakangiti ako sa kanya.Kahit na ang mga ngiting iyon ay tila sagot sa kanyang katanungan.

"I don't know"

"You don't know?"Nakapamaywang ako na tila ba parang tinatamad tumayo habang kaharap ko si Victor. Binaling ko ulit sa kung saan ang aking paningin at pinunasan ang luha gamit ang kanang kamay ko.

"Does it matter?", marahan kong pagsagot sa kanya.

"It's been 5...6 years? A lot of things have changed, Vic. A lot of things are more important than that". Nagbitiw ako ng buntong hininga na para bang gusto kong ipakitang ayos lang ako, napuwing lang at napagod kakalakad.

"Will things get better if I kiss you right now?"

"Huh. Go ahead and have a taste of the judgemental world", napatawa ako ng kaunti sa sinabi niya. Alam kong hindi iyon gagawin ni Victor. Bagamat walang nakakakilala sa amin sa bansang ito, isang malaking pagkakamali parin ang gawin iyon sa publikong lugar. Mali. Ngunit tumigil panandalian ang pagproseso ng aking utak sa paghatak niya sa akin na siyang dahilan upang mapaharap ako sa kanya at bigla niyang hinawakan ang aking kamay. May pwersa siyang pinamalas nang hatakin niya ang aking katawan papalapit sa kanya ngunit napigilan ko lamang iyon.

Ilang pulgada lamang ang distansya ng aming mga mukha at katawan kaya't ramdam na ramdam ko lahat ng kung ano mang ibig sabihin ng mga pawis namin, nang mga titig na tila nakakatunaw, ng mga pagkagat ng labi, nang mga kumakabog na dibdib. Tila elektrisidad ang dumaloy sa aking katawan nang hinila niya ako.

Patakbo kaming pumasok ng Metro Station. Patakbo kahit nakasakay ng escalator. Siksikan kaming dalawa sa loob ng tren, kahit di naman kasikipan. Doon, sa kanyang hotel na tinutuluyan ay nangyari ang isang pamilyar na bagay. Isang bagay na pilit kong binabaon sa limot ngunit di ako nagtatagumpay na gawin iyon. Isang bagay na nakatatak sa aking pagkatao. Walang usapan. Puro pakiramdaman lamang. Siguro hindi na kailangan ng salita o kung ano man, dahil bawat halik, haplos at mapwersang pagkuskos ng mga balat ay alam na naming iyon ang gagawin. Sa ikalawang pagkakataon, bumigay ako sa init na dala ni Vic. Buong buo kong ibinigay ang sarili ko sa kanya. Sa kanyang pagkayog sa akin. Sa kanyang mga halik. Lahat ay ibinigay ko.

The Lonelyboy PlaylistWhere stories live. Discover now