Chapter 36

2.4K 135 49
                                    

"Saan appointment mo ngayon?" Fatima asked me while lazily slouching on the couch.

"Dental." Simpleng tugon ko. Nakita ko pa ang pag-irap niya sa akin. I can't help but to shook my head. Sa loob ng ilang taon, hindi nagbago ang ugali niyang iyan.

"How about your clinic? Don't tell me ako ang magbabantay nito?"

Kinuha ko ang powder sa bag at dinampian ang mukha ko bago lumingon sa kaniya.

"Why would you? May katulong ako dito." She's always like that. Hindi na siya nagbago, sikat na siya at lahat, masungit pa rin. "Wala ka bang photoshoot ngayon?" muli kong tanong sa kaniya.

Umayos siya ng upo at inilapag ang hawak na magazine sa table.

"This is my day off. Ang sabi ko sa'yo, beach vacation tayo ngayong araw pero nakalimutan mo." sarkastikong aniya sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang tuluyang maalala na inabisuhan nga niya ako tungkol dito noong nakaraang linggo pa. Masyado lang talaga akong naging busy lalo na at katatayo pa lang ng sarili kong clinic.

"I'm s-sorry, hindi ko talaga naalala." napahawak ako sa bibig dahil sa pagkagulat. Kaya naman pala kanina pa siya nakasimangot doon, may usapan nga pala kami ngayong araw. "Sorry talaga, Fatima. I already scheduled my appointment for today, nawala sa isip ko."

Lumapit ako sa kaniya. Hindi naman nawala ang matinding pagkakakunot sa noo niya habang nakatingin sa magazine.

"Bahala ka, diyan ka na sa boyfriend mo." malamig na aniya. Tumayo siya at itinago sa kasulok-sulukan ang magazine na binabasa niya kanina.

Kumunot ang noo ko.

"Ano 'yan?" akmang kukuhain ko na iyon subalit mabilis niyang nakuha.

"W-wala, pumunta ka na roon. Hinihintay ka na ni Diego." mabilis siyang umiwas ng tingin sa akin at itinago sa likod niya ang magazine.

Mas lalo naman akong naging kuryoso.

"Titingnan ko lang." naagaw ko sa kaniya ang magazine at binasa ang mga nakalagay dito.

"Ana!" pagalit na aniya saka akmang babawiin sa akin ang babasahin subalit mabilis ko iyong nailayo.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang nasa front page nito.

'Famous actress announced her engagement to a non-showbiz personality.'

That's the head line. I scanned through the page to see the supporting details at para na rin makumpirma ang hinala ko. I read the first paragraph, kaagad na sumakit ang puso ko nang makita ang mga pangalan na naroon. I read the second one and felt my heart sunk even more.

Ramdam ko ang panghihina ko at wala sa sariling napaupo sa couch. Kaagad naman inagaw sa akin ni Fatima ang magazine.

"Tigas kasi ng ulo." inis na aniya sa akin na hindi ko naman nagawang tugunan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Kung nasasaktan ba, nanghihina o nalulungkot. Pare-parehas na yata. Alam ko namang mali ito, kasi committed na ako ngayon sa isang tao. I already said yes kahit alam kong hindi ako sigurado sa kaniya.

Alam kong hindi ako sigurado.

Pakiramdam ko nagkakasala na ako ngayon. Kasi habang niloloko ko ang sarili ko, nanloloko rin ako ng ibang tao.

"A-alis na ako." pagpapaalam ko kay Fatima. Nanghihina man ang tuhod ay pinilit kong maglakad palabas ng clinic. Tahimik lang akong pinagmadan ni Fatima hanggang sa tuluyan akong makalabas. Kaagad akong dumiretso sa sarili kong kotse. Isinubsob ang ulo sa manibela at doon pinigilang tumulo ang luha sa mata.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now