Chapter 41

2.7K 140 8
                                    

"Hija? Maayos na ba ang lagay mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Lola nang lumabas ako sa kwarto makalipas ang dalawang araw. I've dreamed something weird last night. It's really wierd and impossible kaya hindi ko na rin gustong pagtuunan ng pansin.

Umiling ako kahit medyo masakit pa ang ulo. "Kaya ko na po."

Umiling din siya sa akin. "Sinabi ko na kasi sa'yo noon na huwag kang magpapaulan. Naku ka namang bata ka talaga. Mabuti sana kung gusto ka ng ulan, medyo sakitin ka pa naman."

"Ayaw ko rin naman sa ulan, Lola. Saka hindi ako nakapagdala ng payong, nakalimutan ko ring manood ng balita bago ako umalis." naglakad ako at mabagal na umupo sa isang silya sa harap ng mesa.

Umalis si Lola sa harapan ko, pagbalik niya ay may dala na siyang tasa ng kape.

"Eh palagi ka naman talagang hindi nagdadala ng payong 'di ba? Kahit noong highschool ka pa lang, kahit anong paalala sa'yo hindi ka nagdadala. Hindi ko nga alam kung anong problema mo sa mga payong. Pasalamat ka na lang talaga at palaging nariyan si Kahel para ihatid ka pauwi. Kung wala siya, edi baka araw-araw ka nang nagkakasakit-

Natigilan siya sa pagsasalita nang mapagtanto ang sinabi. Natahimik din ako. Narinig ko na naman ang pangalan niya. Knowing Lola, paborito niya si Kahel at itinuturing itong tunay na apo kaya hindi na ako magtataka kung mababanggit niya ito palagi. Isa pa, bago pa man ako manirahan dito sa Quezon, malapit na talaga sila sa isa't-isa.

Tumikhim ako at umayos ng upo.

"K-kumusta po si Kahel?"kinakabahang tanong ko. Napatingin naman sa akin si Lola, may ngiting naglalaro sa labi niya. Napalunok ako. "N-no'ng umalis po kami rito, kumusta po siya?" dugsong ko.

Matagal na akong curious sa usaping ito. At kahit ilang beses na kaming nagkita ni Kahel, hindi ko makuhang magtanong sa kaniya kung kumusta ang buhay niya matapos kong umalis noon. Wala akong lakas ng loob para magtanong.

Hinalo ni Lola ng maigi ang kape bago ito nilapag sa harap ko. Tinitigan ko lamang ito ng mabuti.

"Tatanungin kita ulit, Anastacia... totoo ba talaga na ginawa niya iyon sa'yo noon?" seryosong tanong sa akin ni Lola.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at napaiwas ng tingin.

"H-hindi po." pag-amin ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Bakit mo siya pinagbintangan?" mas marahang anas niya sa akin.

Matagal akong natahimik. Nag-iisip ng maisasagot. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago muling bumaling sa kausap.

"Hindi ko rin po alam... hindi ko gustong mapahamak si Kahel. Ayaw ko siyang malagay sa alanganin. Pero noong mga oras na 'yon... bigla ko na lang nagawa... kahit hindi ko pa napag-iisipan." iyon ang pinakamalaking kasalanang nagawa ko noon. Nabago ang buhay ko. Maraming nawala sa akin. Pati siya.

Mabuti na lamang at hindi na nagtanong pa si Lola ng tungkol doon. Kapag nagkataon, hindi ko rin sasabihin sa kaniya na si Tito Alfonso ang totoong may kasalanan ng lahat. Hindi dahil sa gusto ko siyang pagtakpan kundi dahil gusto ko na lang ibaon sa limot ang lahat.

"Alam mo ba, apo... kinabukasan matapos niyong umalis noon," napalingon ulit ako kay Lola. Bahagya siyang nakangiti sa akin ngayon. "Bumisita rito si Kahel at hinanap ka kaagad niya." nakangiting anas niya sa akin. Na siyang labis na ikinagulat ko.

"H-hinanap niya ako?" pag-uulit ko. Muli siyang ngumiti sa akin tumango. Pero makalipas ang ilang saglit, nawala rin iyon.

"Oo, hindi ko nga alam kung paano ko nasabi sa kaniya noon na umalis na kayo. Tumango lang siya sa akin at nagpaalam. Nagulat na lang ako nang bumalik siya kinabukasan para hanapin ka ulit sa amin. Hindi natapos iyon ng dalawang araw, Ana. Halos araw-araw siyang bumabalik dito at hinahanap ka. Hindi ko nga alam kung mali lang ba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko, baka kako inakala niya na babalik din kayo kaagad kaya araw-araw siyang bumabalik dito."

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now