Chapter 44

2.9K 150 59
                                    

Pinahid ko ang bula na napunta sa mukha ko dahil sa pagdadabog. Tatlong araw na ako sa bahay nina Kahel. At sa tatlong araw na iyon, wala akong napala kundi ito. Kinakawawa nila ako.

"Bilisan mo riyan, marami ka pang lalabhan." saad ni Kahel sa aking likuran. Nakaupo siya roon at binabantayan akong maglaba.

Lumingon ako sa kaniya at tinapunan ng matalim na tingin.

"Walang hiya ka."

Ngumisi lang siya.

"Hindi kita binabayaran para lang tumunganga." pang-aasar pa niya. Mas lalong kumulo ang dugo ko.

Anong binabayaran ang sinasabi niya? Hindi niya ako binabayaran sa mga ipinapagawa niya sa akin! Hindi ako makapaniwala na kaya niya akong pahirapan ng ganito!

Nagpatuloy na lang ako sa paglalaba at ipinagbuti pa ang pagdadabog ko. Mas madami pa ang pagdadabog na ginawa ko kaysa sa mga nakusot kong damit. Busangot na busangot ang mukha ko habang naglalaba. May washing machine naman sila pero ayaw ipagamit ni Kahel dahil sayang daw ang kuryente. Pinapahirapan talaga niya ako. Idagdag pa itong suot ko na nagmumukha na akong katawa-tawa. Mukha na akong katulong!

"A-Anastacia? Ikaw ba 'yan?" napa-angat ang tingin ko nang makita kung sino ang bagong dating. Diretso akong napatayo nang makita si Ate Violet na gulat na nakatingin sa akin.

"A-ate Ayo." itinago ko ang mga kamay sa likod na puno ng bula saka alanganing ngumiti sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit ikaw ang naglalaba?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Napatingin naman ako kay Kahel na halatang nagulat din sa pagdating ng ate niya.

"Si Kahel kasi Ate, kinakawawa niya ako-

"Tinuturuan ko lang siya ng mga gawaing bahay." pagputol sa akin ni Kahel. Tumayo siya at lumapit sa amin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit kailangan mong turuan? Bakit si Ana ang kumikilos dito?" tanong ulit sa kaniya ni Ate Ayo. Pinagkrus ko naman ang mga braso ko at nanghahamong tumingin kay Kahel. Yari ka ngayon sa ate mo.

"Mas mabuti na iyong marunong siya sa mga gawaing bagay. Para masanay siya kapag magkasama na kami sa iisang bubong." katwiran ni Kahel na parang balewala lang. Nagtangis ang bagang ko sa inis.

Gulat na napatingin sa amin si Ate Ayo.

"Eh bakit ganiyan ang ipinapasuot mong damit sa kaniya?"pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko at napangiwi sa suot kong damit.

"Anong masama sa suot niya? Ganiyan ang suot ng mga buntis." sagot ni Kahel.

Nagpintig ang tenga ko. "Pang matanda kamo!"

"Bakit? B-buntis ka ba, Ana?" gulat na tanong ng ate niya. Nanlaki ang mata ko at napailing.

"Hindi ako buntis, Ate." pagdedepensa ko sa sarili.

"Doon din naman 'yan patungo." pagsingit ng tatay nila na nasa likod na pala namin. Lumapit si Ate Ayo sa kaniya at nagmano.

"Papa, bakit hinahayaan mong si Anastacia ang gumawa ng mga gawain dito?" kunot-noong tanong sa kaniya ng anak.

Napalunok naman ang tatay nila. Lumapit ito kay Ate Ayo at may ibinulong. Iilan lang ang narinig ko sa pag-uusap nila.

Tumango si Ate Violet sa kaniya.

"Ah okay." aniya at tumango-tango saka bumaling sa akin. "Ana, ipagluto mo nga ako ng makakain." utos niya sa akin na ikinalaki ng mata ko. Tumawa siya. "Joke lang, hindi ako sasali sa kalokohan nitong mag-ama. Huwag kang papayag na magpakasal kay Kahel kung ganiyang inaalipusta ka." payo niya sa akin bago tuluyang pumasok sa bahay.

Under The Rain (Guevarra Series 1)Where stories live. Discover now