☀ March 16, 2016
Ben Pinatulfo
8:52 PM
Ben:
Grabe maka-interview ni Katkat
Ayaw ako tantanan
Hirap maging artista
Kikow:
Nag-chat din pala sa'yo hahahaha
Steven:
Bakit daw? Ano kailangan niya sa inyo?
Richard:
Nagtatanong kung may pumatol ba raw talaga sa'yo hahahaha
Steven:
Wag nyo sabihi sino ang girlfriend ko
Ben:
Bakit naman? Di pa redi mag-meet the fameli?
Steven:
Ipapahiya lang ako ni Katkat sa girlfriend ko
Kikow:
Bro.... Ikaw ang kakahiyan sa pamilya ninyo hahahahahahaha
Ben:
Ikaw lang, sapat na hahahahaha
Richard:
Hahahaha
Ben:
Uy, tumawa si Poorchard hahahaha
Dan, wala ka entry?
Richard:
'Di online
Kikow:
Musta kayo ni Celestine?
Steven:
Tangina nyo
Ben:
Gandang love language yon parekoy hahahahaha
Steven:
Tantanan nyo kami ng girlfriend ko
Ben:
Kung maka girlfriend ko tong hayop na to!
Kanina ka pa!
Kailangan talagang ipamukha sa amin na may jowa ka??????
Richard:
Masaya lang yan hahahaha
Ben:
Sana all hapi
Kikow:
Wala ka bang kwento sa amin diyan?
Lagi kayo magkasama ni Celestine hahaha
Saang stage na?
Steven:
Gago
Ben:
Nakita ko sila na holding hands sa canteen. Sarap batuhin ng Pepsi.
Kikow:
Dumilim ang surroundings~
Richard:
Wag n'yo ngang gawing biro ang nangyari sa kanya
Ben:
Anong ninyo huhu si Kiko lang uy
Kikow:
Ikaw ba, hindi magdidilim paningin mo kapag binato ka ng Pepsi? Tapos yong isang litro pa???
ANO RICHARD???? SAGOT!!!!
Richard:
Magkaroon ka sana ng pigsa sa pwet
Kikow:
Huli ka na!!!!
Ben:
Get well soon kikoboy
Richard:
Pagdadasal ka namin kahit ganyan ka
Kikow:
STEVEN KWENTO!!!!
Ben:
Di na yata online???
Kausap na naman siguro sila ni Celestine?
Richard:
Bakit marami kang alam?
Ben:
Laging nagpapa-load ng unli call si Steven sa canteen tapos hindi nagtatanggal ng headset sa tenga. Akala ko nga nabaliw na siya kasi parang nagsasalita nang mag-isa, kausap lang pala si Celestine.
Pati si Celestine lagi may headset. Tinatago pa sa hoodie niya. Tawa-tawa sabay takip ng panyo.
WALANG NAKAKALAMPAS SA LASER EYES KO!!!!
Kikow:
Dahil sa mata mong yan, umabot ka ng college. Kopya pa sige.
Richard:
Kakakilabot ka Ben. Tigilan mo yan.
Ben:
Alam ko mga baho nyo hahahahahaha Pero may isa talaga akong alam pero di ko pa sure
Kikow:
Ano?
Ben:
Bayad muna
Except sayo, Poorchard. Alam ko wala kang pera. Libre chismis ko sayo.
Richard:
Salamat?????
BINABASA MO ANG
Your Girlfriend is a Psychopath!
Mystery / ThrillerAn Epistolary Thriller ✉ | Steven is ecstatic when Celestine Elora, the dreamy new girl in town, agrees to go out with him. He thinks he's finally living the dream, but that's when he receives a chilling warning from a stranger: YOUR GIRLFRIEND IS A...