☀ April 7, 2016
Katkat
11:19 PM
Steven:
Kumusta ka diyan?
Katkat:
Ako ba o ang girlfriend at best friend mo?
Steven:
Sa'yo na ang camera ko
Katkat:
SURE???? BAWIIN MO AT IA-UPLOAD KO LAHAT NG NAKAKAHIYA MONG PICTURES AT VIDEOS?
Steven:
Kumusta kayong tatlo?
Katkat:
Nahiya pa
Final na yon ha? Akin na ang camera?
Walang atrasan
Steven:
Oo.
Katkat:
Okay so ganito kasi yan
Hindi pa officially open ang camp, wala pang campers so it's just us counselors ang nandito. Goal namin is to prepare everything, from activities to facilities. Medyo malayo kami sa civilization kaya texts lang ang pwede rito. Kung tawag, we have to go up the roof pa
Steven:
Kathline umakyat ka ba sa bubong nang tumawag sa akin kanina????
Katkat:
Gusto mo pa ba ng update o hindi?
Steven:
Don't do stupid shit there. Hindi lang sinasabi ni mommy at daddy pero panay ang pag-aalala nila sayo. Dala mo ba ang inhaler mo?
Katkat:
About that hehehehe
Steven:
Hindi mo dala???
Katkat:
Hindi ko na-refill yong gamot hehehe but no worries, matagal na rin naman akong hindi inaatake
Steven:
Ihahatid ko ba diyan???
Katkat:
Style mo bulok. Gusto mo lang makita jowa mo
Steven:
Gago nag-aalala ako sayo. Paano kapag inatake ka diyan? Magtanong-tanong ka, baka may gamot yang mga kasama mo diyan
Katkat:
Kung maka gago naman to 😭😭😭😭
Anyway, so yun nga. Junior counselor pala rito si Celestine, tapos volunteer lang daw si Kuya Dan. If I know, nagpapabilib lan si Kuya Dan. Halata namang di niya alam anong gagawin dito. Ni magsindi ng bonfire hindi niya halos nagawa!
Steven:
Anong ginagawa ni Celestine? Hindi ba tinitingnan ni Celestine ang cellphone niya? I've been trying to call her
Katkat:
Kuya huhu
Steven:
Bakit?
Katkat:
Lagi niyang hawak phone niya. I guess ayaw ka lang niya talagang kausap?
I also guess this is a good thing. Wala nang interest sayo ang psychopath?
11:35 PM
Katkat:
Are you okay?
Kukakanta ka na ba ng Magbalik while drinking Tanduay?
Steven:
Pinagsasabi mo?
Katkat:
Sorry, may friend kasi ako na ganyan kapag brokenhearted.
But for reals, nage-emo ka na ba diyan?
Steven:
Nasaan sila ngayon?
Katkat:
Kuya it's almost midnight. We're inside our own cabins na.
Steven:
Hindi naman siguro sila natutulog sa iisang cabin diba?
Katkat:
Nope. Ibang side ng forest ang cabins ng boys. I think Celestine's occupying the last cabin by the lake though? Don't worry, may roommate naman ang bawat isa sa amin. She's not alone and I bet she won't entertain Dan.
Steven:
Hindi pa rin ba niya pinapansin si Dan?
Katkat:
Parang invisible si Dan sa kanya.
Actually, Celestine just keeps to herself. She doesn't really interact with us. Para pa nga siyang nagagalit kapag inuutusan. Even the Camp masters look intimidated by her. Hindi sila maka-utos hahahaha
She just keeps staring blankly ahead. Parang malalim ang iniisip.
And I don't know why, para siyang may hinihintay.
Steven:
Ako ba?
Katkat:
HAHAHAHAHAHAHAHA
Steven:
Matulog ka na leche ka
BINABASA MO ANG
Your Girlfriend is a Psychopath!
Mystery / ThrillerAn Epistolary Thriller ✉ | Steven is ecstatic when Celestine Elora, the dreamy new girl in town, agrees to go out with him. He thinks he's finally living the dream, but that's when he receives a chilling warning from a stranger: YOUR GIRLFRIEND IS A...