☀ April 2, 2016
Ben Pinatulfo
12:08 AM
Richard:
Nasa bahay na kayo lahat
Dan:
Oo
Steven:
Kararating lang
Si Ben?
Dan:
Hinatid ko mismo sa kanila
Ben nandiyan ka ba?
Steven:
Baka nagpapahinga na
Ben, wag na muna mag-bukas sa FB. Nagkalat pa ang pictures ng bangkay ni Kiko.
Richard:
Ang daming nagpo-post at nagse-share. RIP RIP pang mga tangina. Hindi ba nila iniisip ang mararamdaman ng pamilya ni Kiko?
Dan:
Tayo nga na kaibigan lang hindi halos masikmura yong nangyari, sila pa kaya na pamilya?
Steven:
Mass report na natin
Dan:
Hingi na tayo ng tulong sa mga kaklase
Steven:
Ok hingi rin ako ng tulong kanila Katkat
2:32 AM
Ben:
Hindi maalis sa isip ko ang hitsura ng bangkay ni Kiko. Picture lang yon pero paulit-ulit sa utak ko. Sana hindi siya masyadong nagdusa. Sana namanhid ang pakiramdam niya sa huli.
Kawawa si Kiko. Hindi siya kriminal. Bakit sa kanya pa nangyari yon?
Steven:
Ben, itulog na lang natin. Kailangan nating magpahinga para makatulong tayo sa kanila bukas.
Ben:
Sana paggising ko buhay si Kiko at panaginip lang lahat
Dan:
Ben matulog ka na
Ben:
Kanina ko pa pilit na iniisip kung ano ang huli kong sinabi sa kanya, pero puro mura lang ang naalala ko. Ni hindi ko maalala ang huli niyang sinabi sa akin.
Richard:
Sabi niya magiging mayaman din ako. Tiis-tiis lang daw.
Dan:
Sabi niya mag-iipon na raw siya ng lakas ng loob para malapitan ang crush niya
Ben:
Tangina sana tinulungan ko siya
Ngayon huli na ang lahat
Richard:
Ben tama na
Dan:
Steven wala kang entry?
Steven:
Saan?
Dan:
Huling sinabi ni Kiko sayo. Keep up sa topic bro haha
Ben:
Nag-iisip pa yata
3:04 AM
Richard:
Nakatulog na yata haha
Ben:
Gusto kong uminom
Dan:
Tulog na tayo. Bukas na lang
BINABASA MO ANG
Your Girlfriend is a Psychopath!
Mystery / ThrillerAn Epistolary Thriller ✉ | Steven is ecstatic when Celestine Elora, the dreamy new girl in town, agrees to go out with him. He thinks he's finally living the dream, but that's when he receives a chilling warning from a stranger: YOUR GIRLFRIEND IS A...