✉ 31

10.6K 897 513
                                    

☀ March 31, 2016

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

☀ March 31, 2016

San Francisco

1:23 PM


San Francisco:

Hulaan mo nasaan ako? Hahahaha

Steven:

Nasa classroom malamang

San Francisco:

Tapos ko na exam ko kaninang umaga. Technically bakasyon ko na hahahaha

Steven:

Nambababae ka na naman sa kung saan?

San Francisco:

Sinusundan ko ang jowa mo hahahaha Pakiramdam ko spy ako bro

Dapat bumili ako ng bluetooth headset ahhaahahaha

Pota dapat gawin ko tong pangkabuhayan eh

Steven:

Stop following her. Hindi na tama yan. 

San Francisco:

Ayaw mo bang malaman ang totoo? hahahaha

Steven:

Mabuting tao si Celestine!

San Francisco:

Tingnan natin hahahaha Dami akong barkadang chismoso at mala-fbi na kaibigan mula sa high school, tinutulungan nila akong mangalap ng impormasyon hahahaha chicklets bro

Steven:

Anong chicklet??

San Francisco:

Sisiw brooooo

Steven:

Chick yon gago!

Umuwi ka na. Tantanan mo na ang girlfriend ko

San Francisco:

hAHAHAHHAHAHAHAHAHA

8:24 PM

San Francisco:

Bro may fishy sa girlfriend mo

Steven:

Tantanan mo na siya utang na loob

San Francisco:

Guess what I found out?

Steven:

Anong nalaman mo?

San Francisco:

Grabe talaga research powers ng mga kaibigan ko hahahaha 

Steven:

Ano ngang nalaman mo?

San Francisco:

WALA! ZERO!

Steven:

Sabi na mabuting tao ang girlfriend ko

San Francisco:

No you don't get it! hahaha We researched everything mula sa sinabi niyang high school at city na pinanggalingan niya, pero ni isa walang nakakakilala sa kanya. 

WALA AS IN ZERO!

It's as if Celestine Elora never existed!

Steven:

May mga tao na hindi mahilig sa social media

San Francisco:

Or nag-iba siya ng pangalan at mali ang ibinigay niyang mga detalye hahahaha

Ano kaya ang tinatago niyang sikreto?

Steven:

Masyado ka lang nasobrahan sa pinapanood mong mga pelikula. Mabuting tao si Celestine.

San Francisco:

At masyado kang bulag sa pag-ibig. 

Hindi nyo na ako mapipigilan hahahaha

Detective San Franciso Y. Armando on duty

April 1, 2016

12:32 AM

San Francisco:

Bro gustong makipagkita ni Celestine hahahahaha nahuli yata ako 

Sorry kung bigla to makipaghiwalay sayo hahahaha hanapan nalang kita ng ibang masho-shota


5:23 AM

Steven:

Nakatulog ako. Anong nangyari?? Nagkita ba kayo? Bakit daw??


Your Girlfriend is a Psychopath!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon