☀ April 6, 2016
Ben Pinatulfo
3:32 PM
Steven:
Dan, nasa summer camp ka raw?
Dan:
Ah oo, sandali lang ako rito. Babalik din ako para tumulong diyan
Paano mo pala nalaman?
Richard:
Samahan nyo kami. Pupunta kami sa pulis mamaya
Dan:
Bakit? Anong nangyayari?
Richard:
Nakipagkita raw kasi si Kiko kay Celestine bago siya namatay
Dan:
Pinagbibintangan nyo ba si Celestine???
Ben:
Si Celestine ang pumatay kay Kiko?!!!!
Richard:
Hindi pa namin alam, basta may impormasyon lang kami at gusto naming malaman ito ng pulis
Dan:
At okay lang to sayo steven??? Anong sinabi ni Celestine???
Steven:
Hindi sumasagot si Celestine sa tawag ko.
Dan:
Hindi ko talaga alam kung ano ang nakita sayo ni Celestine. She doesn't deserve a loser like you.
Steven:
Bakit? Sinong bagay sa kanya? Ikaw? Hahaha tangina ka
Dan:
I deserve her more than you do! You're even okay with accusing her of a crime! What the hell is wrong with you
Steven:
Sinasabi ko na nga bang may gusto ka sa kanya
Ben:
Hala sandali kalma lang kayo
Dan move on na please
Wag tayo mag-away please lang
Kamamatay lang ni kiko please lang wag tayo magwatak-watak
Richard:
Guys calm down
Let's just do this for kiko. Utang na loob
Dan, wag mong sasabihin kay Celestine ang balak namin
Dan:
No. Celestine has to know about this. Kailangan niyang malaman na sinasaksak nyo na siya sa likod. This is even worse than cheating.
Mga walang hiya kayo. Hindi nyo man lang iniisip ang mangyayari sa kanya kapag napunta ang lahat ng bintang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Your Girlfriend is a Psychopath!
Mystery / ThrillerAn Epistolary Thriller ✉ | Steven is ecstatic when Celestine Elora, the dreamy new girl in town, agrees to go out with him. He thinks he's finally living the dream, but that's when he receives a chilling warning from a stranger: YOUR GIRLFRIEND IS A...