✉ 27

10.9K 956 425
                                    


☀ March 29, 2016

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

☀ March 29, 2016

San Francisco

11:22 PM


San Francisco:

Damnnn psychopath si Ben?

Steven:

Sinabi ni Ricchard??

San Francisco:

Tambay siya rito sa amin para maki-wifi. Ako na raw mag-reply kasi busy siya mag-aral hahahaha

Steven:

Mag-review na nga lang kayo

San Francisco:

Bro parang walang pinagsamahan. Sabihin mo tungkol saan yan

Mapagkakatiwalaan ako sa mga sikreto. Di ko nga sinabi sa iba na ikaw yung nakatapon sa kutsara ni prof sa basurahan. Hindi siya nakakain ng sinigang dahil sayo.

Steven:

Gago ka kiko!!!

San Francisco:

Ako pa gagu

Sabihin mo na kasi

Alam mo rin kaya mga sikreto ko

12:03 AM

Steven:

May nagsabi sa akin na nakita niyang pumatay ng pusa si Celestine

San Francisco:

Anong pusa?

Steven:

Yung hindi aso!!!

San Francisco:

Pusa na meow meow?

Steven:

ANO BA SINASABI NG PUSA????

San Francisco:

Gusto ko lang makasiguro kung pusa ba talaga. Parang imposible kasi na papatay ng pusa si Celestine Elora. Parang lamok lang ang kayang saktan non eh

Steven:

kAYA nga!!

San Francisco:

Sinabi mo kay Celestine?

Steven:

Di ko nga alam paano sasabihin. Baka magalit.

San Francisco:

Sino ba informant mo?

Steven:

Di ko alam. Basta sabi lang na layuan ko raw si Celestine kasi psychopath daw

San Francisco:

Alamin mo muna sino informant. Kung kasing tino ni Richard, lagot ka bro hahahaha

Steven:

Minsan may sense ka rin palang kausap

San Fransico:

Hindi ko alam kung compliment ba yon o insulto. Magpasalamat ka na lang sa payo ko.

Steven:

Salamat ha???

San Fransico:

Libre mo lang ako bukas oks na

Pero bro, no offense. May punto rin ang nagsabi. Isipin mo nga, bigla kang pinatulan ni Celestine nang ganon na lang. Dami ng nanliligaw sa kanya tapos ikaw sinagot hahahaha Ni hindi mo niligawan, biglang kayo agad.

Kung si Dan, maniniwala pa ako. Pero ikaw hahahahaha 

Too good to be true bro. No offense.

Steven:

Pero okay kami. Masaya kami.

San Francisco:

Ewan hahaha

12:34 AM

Steven:

Hindi rin naman siguro psychopath si Celestine

San Francisco:

Dalawa lang yan eh. Psychopath siya o walang tastehahahaha





Your Girlfriend is a Psychopath!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon