Chapter 7

46 4 8
                                    

Pagka-uwi ko sa bahay ay sinabayan ko munang kumain si Lea na nakauwi na pala. Hindi naman ako gutom pero ayaw ko siyang iwang mag-isang kumakain.

Pagkatapos nito ay naligo na ako dahil maaga pa ako gigising bukas. 8 AM to 11 AM ang shift ko sa café bukas dahil nasabi ko kay Brie na hindi ako puwede sa gabi dahil sa pag-eensayo.

"Grabe ka ang big time mo ha!" tukso sa akin ni Lea habang tinutuyo niya ang kanyang buhok gamit ng towel at ako naman ay naka-upo na sa kama.

"Hindi naman. Nasaktuhan lang," sagot ko naman na may kaunting tawa na sinabayan din niya.

"Imbitado ba ako dyan?" tanong niya sa akin.

"Oo naman! Puwede kaming magdala ng dalawang guests kaya ikaw ang isasama ko. Yung isa siguro ipapamigay ko na lang?" sagot ko na patanong.

"Bakit hindi na lang kay Brie?" tanong niya naman.

"Ah imbitado yun. Kaibigan nila si Ate Autumn," sagot ko naman.

"Ah... siguro nga ipamigay mo na lang," aniya bago lumagpak sa kanyang kama na hindi naman masyadong malayo sa akin.

"Paano ang pagmomodelo? Masaya? Mahirap?" sunod-sunod niyang tanong.

"Medyo mahirap pero natututo naman ako kaya nahahaluan ng saya," pagbabahagi ko sa kanya.

"Nung una nga tayong nagkakilala akala ko talaga modelo ka o galing sa pamilya ng mga artista. Mukha ka kasing kano," aniya sa akin na ikinatawa naman naming dalawa.

"Sa tingin ko talaga may lahi ka..." aniya sa akin. Alam niya ksi na kinupkop lang si mama kaya hindi nito alam ang tunay niyang pagkatao. Komportable rin naman akong ibahagi kay Lea ang tungkol sa pamilya at nakaraan ko.

Nirespeto niya ang mga desisyon ko at sinamahan rin ako sa mga araw na nahihirapan ako kaya nagpapasalamat ako na nakahanap ako ng kaibigang katulad niya.

"Hindi ko alam eh... siguro nga," sagot kong hindi tinatapos ang posibilidad tungkol roon.

Kung maraming nagsasabi na mukha akong foreigner, ano na lang kaya ang yumao kong ina?

Her pale white skin, light brown eyes, and pointed nose could make her pass as a foreigner indeed.

Nahaluan lang ako ng mga features mula sa aking ama kaya kapani-paniwala namang may lahi pa rin akong pinoy.

"Anong oras ang pasok mo bukas?" tanong niya sa akin.

Humiga naman na muna ako bago iyon sinagot, tumuyo na rin naman kasi ang buhok ko.

"8 AM. Ikaw?" tanong ko pabalik pagkatapos iyon sagutin.

"'Di kita maisasabay. 2 PM pa ako eh," aniya.

"Ayos lang yun," sagot ko naman.

"Tsaka pala sa susunod na buwan baka lumipas ako sa probinsya namin. Nanghihina na raw kasi si lola, gusto love sanang makasama siya. Pinoproseso ko na yung mga files ko for leave," pagbabahagi niya sa akin.

"Sige, walang problema. Magtatagal ka ba roon?" tanong ko sa kanya.

"Siguro? Hindi ako sigurado. Sa tingin ko mga isang buwan. Huwag kang mag-alala, advance na akong magbabayad ng upa," aniya sa akin.

"Huy! 'Wag na. Hindi ka nga dito titira next month tapos magbabayad ka pa? Ako na," sabi ko bago lumingon sa kanya. Nakita ko naman ang bakas ng pagkagulat sa kanyang ekspresyon.

3rd Thorn: Peculiar MeetingsWhere stories live. Discover now