Nagpahatid ako kay Lea sa café ni Brie para sa midnight shift na sinabi kong sasaluhin ko.
I'll take the 10 PM to 3 AM shift for today dahil kaya ko naman at wala akong trabaho bukas ng umaga.
"Salamat sa paghatid," pagpapasalamat ko kay Lea pagbaba ko sa kanyang motor.
"Ingat ka ha," aniya sa akin.
Tumango naman ako at binigay sa kanya ang helmet.
Dala niya na rin ang pinamili namin upang mauwi na sa aming dorm.
Pagpasok ko ay medyo marami pang tao, mga nag-aaral ang karamihan.
Sinalubong ako ng nakangiting si Brie.
"Hi Nash! Galing sa raket?" masigla niyang tanong.
Ngumiti naman ako pabalik.
"Oo," I respectfully answer.
"Pahinga ka muna saglit hindi pa naman 10 PM," aniya sa akin.
"Sige, ah teka, 'di ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya. Madalas kasi kapag gabi na ay uuwi na siya.
Marahan siyang umiling.
"Susunduin ako ni Ate Ara pagkatapos ng shift niya na 12 AM, so tambay muna ako dito," aniya sa akin. Tumango naman ako bilang tugon. Dahil kay Brie ay nakilala ko rin si Ate Ara, fiancé siya ng kapatid ni Brie na si Kuya Chase, pareho silang mabait.
"Pasok na ako," paalam ko sa kanya bago pumasok sa staff room namin upang magsantize at gamitin na rin ang apron ko.
I usually work at the counter if there's a barista present and tonight there is one so I'll be at the counter.
Hindi pa naman ako inaantok kaya masigla pa ako.
Ang midnight shift ay may positive at negative side, siguro ang positive ay kaunti na lang ang pumapasok na customer pero dahil rin naman doon ang negative side dahil nakakaantok ang madalas na katahimikan o 'di kaya'y ang lalim ng gabi.
Lumipas ang ilang oras at kaunting pag-uusap namin ni Brie ay may pumaradang sasakyan na sa harap ng establisyimento.
"Oh, Ate Ara is here," aniya bago tumayo mula sa kinauupuan.
"Ingat kayo," sabi ko sa kanya bago kumaway.
Kumaway naman siya pabalik bago tuluyan nang makalabas at pumasok na sa sasakyan ni Ate Ara.
Katulad ng pangkaraniwang shift at araw, natapos ito ng walang palya.
Umuwi ako mag-isa katulad ng nakasanayan at naka-uwi naman ng ligtas.
Tahimik akong naligo at nagpalit ng damit upang hindi magising si Lea na tulog na. May trabaho pa kasi ito sa umaga kaya bumabawi ng matinding tulog.
Since I don't have work tomorrow morning I don't really have to worry about waking up early. Ang schedule ko naman bukas ay magsisimula ng 4 PM doon sa bakery na ginagawan ko ng commission.
I also don't have a shift sa café ni Brie dahil off ko bukas.
So I guess my schedule for tomorrow or should I say today? Since it's already 4 AM? But nonetheless, it's not as jam-packed as usual.
Inayos ko ang kama ko bago humiga dito.
To sleep I looked at the ceiling.
I sighed, thinking about my current situation and such things.
So I'm really 23 now huh? Life's getting hard but at the same time I'm getting use to every hardship. Sa mga ganitong malalim na gabi ko iniisip ang hinaharap.
YOU ARE READING
3rd Thorn: Peculiar Meetings
Romance[ON GOING still has typos/grammatical errors] Bolt Windel Asuncion, a successful lawyer, needs rest and relaxation in which he found in music and art, where he can simply be himself, in which he meets a person who was also wandering around but with...