"It's the second time I have witnessed you getting disrespected like that. Does it happen often to you?" tanong nito sa akin habang ang kanyang mga mata ay nakatingin sa daanang nasa harap.
"Hindi naman madalas pero nangyayari," noong sinagot ko iyon ay nakita ko kung paano umigting ang panga niya.
"Nagdadamit na nga ako ng maayos-" agad niyang pinutol ang sana'y idadagdag kong sasabihin.
"Lahat naman ng damit maayos, mga manyak lang ang nag-iisip ng kung ano-ano. Hindi dapat ikaw ang mag-aadjust, you should wear whatever you want but men like them with their bullshit mindset are everywhere," anito sa akin.
"Call me if something happens again," dagdag niya, I can feel the frustration in his tone, nakakatakot pala siya magalit o mainis man lang.
"Bakit naman?" I ask, kind of nervous but somehow, no matter how scary or intimidating he looks, hindi ako kinakabahan sa presensya niya.
"People who do not respect other people should not live freely and roam around," aniya, ang kanang kamay ay nasa itaas ng manibela at nakatingin pa rin sa harap.
Maayos ang pagtuturo sa kanya ng kanyang magulang, hindi ko alam kung dahil kaunti lang ang mga lalaking kilala ko o talagang hindi na ganoon kadalas na may makitang ganoon pero siya lang ata ang nakilala kong ganito karespetado at matured mag-isip.
Kaya hindi nakakapagtataka kung bakit isa siya sa pinakamagaling na abogado sa buong Pilipinas eh.
"Tomorrow's the event, right?" tanong niya sa akin, tumingin muna ako sa harap at nakita kong malapit na kami sa aking tinitirahan pero sumagot na ako habang nag-aayos ng upo.
"Oo, bakit?" tanong ko sa kanya, tumingin ako sa kanya dahil akala ko'y nakatingin pa rin siya sa harap pero laking gulat ko dahil nakatingin din pala siya sa akin.
I was caught off guard by our instant eye to eye contact kaya umiling ako ng bahagya bago tumgin sa harap habang hinihintay ang kanyang sagot.
"Just asking, I got an invitation so I might go wala naman akong trabaho sa Linggo," he says so I just nodded slowly.
"Uy magandang idea yan, kasi 'di ba sabi mo ready ka na magpakasal naghahanap ka lang ng tamang tao, sakto dami kong magagandang kasama na mga models! Reto kita kung may magustuhan ka," pagbabahagi ko ng ideya ko habang nakangiti dahil natuwa ako sa biglaan kong naisip na iyon.
I waited for his response whether he's agreeing or not but all I heard as a reply was a slow and deep chuckle kaya agad akong napatingin siya para malaman kung ano ang nakakatawa.
"Oh, bakit ka tumatawa? Game ka ba o hindi?" tanong ko sa kanya.
"I'm not interested in them," aniya kaya agad bumaba ang mga balikat kong umangat kanina dahil sa tuwa.
"Ay, bakit naman ganun? May jowa ka na agad? Speed mo ah," may halong biro kong sinabi.
"Hindi lang ako interesado," aniya kaya napakunot ang noo ko at napalingon sa kanya.
"I'll be just there to support Autumn. High school pa lang kami kaibigan na namin siya," dagdag pa nito kaya agad kong nagets.
"Ah sa bagay," sagot ko naman bago umupo ulit ng maayos at tumingin na sa harap.
"Why are invested in my love life anyway?" tanong niya sa akin na may halong tawa.
"Wala lang, ikaw na kasi mismong nagsabi na gusto mo na ring magpakasal kaya sumagi lang sa isip ko," pagsasabi ko ng totoo.
YOU ARE READING
3rd Thorn: Peculiar Meetings
Romance[ON GOING still has typos/grammatical errors] Bolt Windel Asuncion, a successful lawyer, needs rest and relaxation in which he found in music and art, where he can simply be himself, in which he meets a person who was also wandering around but with...