Chapter 2

71 5 18
                                    

For Nash
*********

"Nash! Papatulan mo ba yung gig mamaya? Sa maliit na cafe lang," anang roommate ko sa dorm na si Lea na ngayong naglalagay ng mga bagay sa loob ng kanyang bag, mukhang nagmamadaling umalis.

"Sige, text mo sa'kin yung location tsaka anong oras, salamat ha?", tugon ko naman, tumango si Lea bago lumabas mula sa dorm namin.

Walang naman akong permanenteng trabaho, at hindi ko naman hinihingi yon, besides, I'm living only for myself only, kaya ang mga kinikita ko ay sakto na para mabuhay ako araw araw.

Paminsan kumakanta, paminsan barista, paminsan baker, freelance designer, kahit ano, iyon kasi ang mga kinahihiligan ko, I finished business administration pero ayaw ko ng trabahong ganoon, nakakasakal para sa'kin. Mas gusto ko maging malaya, gagawin ano ang gusto ko at palipat lipat ng raket.

They might say it's living life with no guarantee but for me, having no guarantee assures me.

I'm drinking coffee right now while watching TV, I don't really eat breakfast, mas nabubusog ako sa kape kapag umaga, hindi ko alam kung bakit.

Tumunog ang telepono ko at inabot ito mula sa lamesang nasa harap ng kinauupuan ko, seeing the caller I.D, I sighed before answering the call. 

"Ms. Nalia Ashlyn... Villarial?" anang kabilang linya, I blew a loud breath after hearing my full name.

"Speaking," tipid na tugon ko, boses walang interes.

"Pinapatanong po kung free kayo today?", tanong saakin ng babaeng na sa kabilang linya.

"No, I have plans, thank you," I said in the most respectful way possible before immediately hanging up.

Bago ko pa man ibalik sa lamesa ang telepono ko, ay may tumawag ulit.

"Brie," sagot ko agad sa tawag.

"Nash, papasok ka ba mamaya o may iba kang raket?", masiglang tanong sakin ng boss ko sa cafe na si Brie Natividad.

Alam niyang marami akong raket kaya tinatawagan niya ako palagi kung papasok ba ako, kaya naman isa sa mga tinturing kong importanteng mga tao sa buhay ko si Brie, at may utang na loob ako sakanya. Halos magkasing edad rin naman kami kaya madali naming napakisamahan ang isa't isa.

"Baka, pagkatapos ng isa kong raket pupunta ako dyan, sasaluhin ko na yung midnight shift," sagot ko dahil nakakahiya naman kung hindi ako magtatrabaho at pareho parin ang sweldo ko.

"Sige Nash, text mo lang ako," sagot nito.

"Sige," tugon ko naman, natapos na ang tawag at ibinaba ko na ulit ang aking telepono.

Patuloy ako sa pag-inom ng kape habang iniisip at inaayos ang mga gagawin ko para sa araw na ito.

Pagkatapos kong kumain at uminom ay agad kong hinugasan ang mga plato at baso at agaran iyong iniligpit bago maligo at simulan na ang aking araw, gaya ng nakasanayan.

Dahil ako na rin lang naman ang natira sa dorm ay madali na lamang akong naligo sa iisang banyo namin dito.

Hindi naman ganoon kalaki ang tinitirahan namin ni Lea na nakilala ko sa dati kong napagtrabahuan pero may dalawang kama, maliit na salas at kusina, ganoon din ang banyo.

Habang pinapatuyo ang basa kong buhok gamit ng isang towel ay iniayos ko naman ang bag ko at ang mga dadalhin.

Isang faded maong na jeans at puting t-shirt naman ang napagdesisyunan kong gamitin sa araw na ito, madalian ko lang sinuklay ang buhok ko dahil pinagupit ko ito noong nakaraang linggo, hanggang baba ko na lamang ang ikli nito at mas nakakatipid ako ng oras na ayusin.

3rd Thorn: Peculiar MeetingsWhere stories live. Discover now