Chapter 18

32 6 16
                                    

Huh? 

Ano naman ang ibig sabihin niya?

Nakakunot ang noo kong tinignan si Hermes dahil sa kanyang sinabi.

"Oh well, that's interesting and it looks like Nash doesn't have a clue about that," anang ina ni Hermes noong tinignan niya ako, totoo rin naman ang kanyang sinabi.

"Joke lang," tinignan ko naman si Hermes dahil sa biglaang pagsasalita niya.

"Oh Moj, Hermes, when will you learn, hijo?" my gaze shifted to Mrs. Asuncion who looked like her expression changed, at andito pa rin ako, hindi ko pa rin alam ang mga nangyayari.

"It's ano na kaya mom, it's očito na," hindi ko maintindihan ang kanilang mga sinasabi pero nanatili lamang akong tahimik na nakatayo.

Mrs. Asuncion sighed before talking again.

"Anyway, Nash is done with her work, and I assume she has somewhere to go to now?" she asked while looking at me like she's waiting for my answer so I quickly nod as a reply.

"Alright, since you're here because you are bored moj sin, bakit hindi mo na lang siya ihatid?" ngayon nama'y si Hermes na ang kanyang tinitignan.

"Ay huwag na po, medyo malapit lang naman po ang pupuntahan ko, kaya ayos lang," nakakahiya naman kasi, baka may kailangan pang gawin o puntahan itong si Hermes, tsaka walking distance lang talaga ang pupuntahan ko bago ako pumunta kila Ate Autumn.

"Malapit lang pala eh, tara na Nash, ihahatid na kita," medyo lumaki ang mata ko dahil sa biglaang pagsasalita ni Hermes.

"Sigurado ka?" tanong ko ulit.

"Yup, let's go 'lil sis," aniya sa akin kaya naman sumunod na lang ako.

Ano ba yan, itong isa ang tawag sa akin 'lil sis, yung kapatid naman niya'y kid mukha ba talaga akong bata? O talagang nakababatang kapatid talaga ang tingin nila sa akin?

Tinignan ko ulit si Mrs. Asuncion at siya'y nakangiti kaya ganoon din ang ginawa ko, pagkatapos niya akong tanguan ay patuloy na kami ni Hermes sa paglalakad.

Paglabas namin ng lugar ay agad na nakaparada doon ang sasakyan ni Hermes kaya naman pumasok na kami sa loob.

"So Nash, kumusta na pala yung kaibigan mo tsaka yung lola niya?" tanong niya sa akin habang inaandar ang sasakyan at inaayos ang rear view mirror.

"Ah si Lea? Ayos lang naman na siya at ang lola niya, inaalagaan niya iyon ngayon," pagbabahagi ko.

"Mabuti kung ganoon, tsaka pala yung narinig mong sinabi ko kanina, kalimutan mo na lang ha," aniya kaya medyo kumunot ulit ang aking noo, hindi ko nga man lang iyon naintindihan.

"Ah, okay, hindi ko rin naman naintindihan eh," sagot ko kaya naman natawa siya.

"Mas maayos yun, nga pala saan kita ihahatid?" tanong niya sa akin.

"Ah, actually wala na rin naman talaga akong raket, balak ko talagang bumisita lang saglit sa ginawan ko ng wall art, titignan ko lang kung ayos lang ba iyon," sabi ko, kaya nahiya rin ako magpahatid noong una.

"Uy! Cool yun! Tara tara! Saan?" masiglang tanong ni Hermes kaya tinuro ko naman sa kanya ang direksyon.

"Kila Tita Dem?" nagulat siya noong palapit na kami sa lokasyon at naalala kong nasabi rin pala sa akin ni Bolt na tita raw nila ang may-ari ng lugar.

"Ah... oo, nasabi rin sa akin ni Bolt na sa tita niyo raw 'to," sagot ko naman.

"Matagal pala kayong nagkikita-kita ni Bolt noh?" tanong niya naman habang nagmamaneho pa rin.

3rd Thorn: Peculiar MeetingsWhere stories live. Discover now