Mabilis ang takbo ng oras, naka-uwi na rin si Lea, noong nakaraang araw lamang.
We catched up a bit pero mas magiging busy na siya dahil sa pagkawala niya ng ilang linggo rin.
About my family, well... si Kuya Timothee lang ang huli kong naka-usap and I want it to stay that way. Wala ring silbi ang makipag-usap sa kanila, lalo na pagkatapos ng lahat ng nangyari.
Hindi naman kasing haba ng pasensya ni mama ang pasensya ko, and besides, I lived without them before, I can live without them now. Sinubukan akong icontact ng ama ko, he left 13 missed calls, kahit ang sekretarya niya, ganoon naman palagi.
But I'd rather answer Bolt's calls. And speaking of which... ngayon ang araw ng aming date, hindi ko alam bakit nahihiya ako habang iniisip iyon.
Pero alam naman ni Lea na aalis ako ngayon at tinukso pa ako ni gaga. Tinignan ko ang ayos ko sa salamin, gamit ko ang medyo toned-down na yellow na dress, bigay ni Tita Eva, kasyang-kasya ito sa akin kaya ito na rin ang ginamit ko.
Nagtext na rin sa akin si Bolt kanina na ppaunta na raw siya kaya naghanda na ako ng mga dadalhin ko, nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa siya.
Hawak ang kontrata sa kabilang kamay at strap ng sling bag ko sa kabila ay naghintay ako.
Hindi naman nagtagal ito dahil agad kong narinig ang tunog ng aking telepono na agad kong sinagot.
"Hi, I'm here Nali," aniya sa akin.
"Okay, bababa na ako," sagot ko naman bago patayin ang tawag.
Agad na akong lumabas at sinara ang pinto ng aming tinitirahan bago bumaba ng hagdan patungo sa may gate.
Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng kanyang kotse, pinipigilan ko ang pagngiti noong nakita ko na nakadamit din siya ng shade of yellow, para bang pinag-usapan namin ito.
He was wearing a very light yellow short-sleeved polo shirt, and a very dark blue, almost black trousers, he looked expensive yet casual.
Pagsara ko ng gate noong paglabas ko ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan.
Pagpasok ko ay hinintay ko siyang umikot upang makapasok din siya sa kabilang pinto ng sasakyan.
"You look very beautiful, Nali," aniya sa akin.
Mabagal kong tinignan si Bolt pagkatapos niyang sabihin iyon at nginitian siya nang kaunti.
"Thank you," mahinhin kong sagot, ayaw ko na tumingin nang matagal kasi alam kong namumula na ako.
Hindi ko ba alam ano ang nangyayari sa akin, ganito rin ako pag kausap o kasama siya sa nakalipas na linggo.
"Let's go?" anyaya niya sa akin kaya naman tumango ako bilang tugon.
"That dress really compliments your beauty," aniya habang nakatingin sa daan at nagmamaneho.
"Salamat, uhm, galing 'to sa mama mo," sagot ko.
"Oh I see, well, it's very lovely, you're very lovely," sabi niya.
"Grabe ka naman, pero salamat," medyo nahihiya kong pagtanggap sa mga pagpupuri niya.
Noong medyo tumahimik na kami ay may narinig akong tunog ng telepono, naaninag ko sa gilid ang pagkuha ni Bolt ng telepono niya bago ito sagutan.
"Hello, updates?" ang kanyang malumanay na boses habang kausap ako ay naging malalim at strikto pagsagot niya nung tawag, bumilis naman ang pintig ng puso ko, hindi ko malaman-laman kung bakit.
YOU ARE READING
3rd Thorn: Peculiar Meetings
Romantik[ON GOING still has typos/grammatical errors] Bolt Windel Asuncion, a successful lawyer, needs rest and relaxation in which he found in music and art, where he can simply be himself, in which he meets a person who was also wandering around but with...