Kabanata 28: Deceive
"Defense witness, please come forward." The Judge said.
Lahat ng tao sa loob ay napatingin sa may bukana ng pinto nang magbukas 'yon. Iniluwa nito si Ylona na seryosong nakatingin sa harapan. She smiled at me, when our eyes met. Naramdaman ko naman ang pagsiko sa akin ni Morill. Selosa.
Nakaupo na si Ylona sa harapan ng Judge. Tahimik din ang lahat at seryosong nakatutok sa ano mang mangyayari ngayon.
"Please, introduce yourself." Attorney Allard firmly said.
"A witness that, once accused being the mysterious killer of La Fidel. I am Adrian Sheldon." She answered firmly.
"What evidence you holds that make you say yourself a witness, Ms. Sheldon?" Counsel said, looking straightly to Ylona.
"Iana didn't do anything about the cases. Lahat ng ebidensyang nakuha ng mga totoong humahawak sa kaso ay hindi sapat dahil may isang taong lihim na tinatago ang iba pang mga ebidensya na makapagkokompleto para makabuo ng isang matibay na ebidensya." Litanya ni Ylona.
"Pwede ba naming malaman kung anong ebidensya ang tinutukoy mo?"
Tumango si Ylona at binigay kay Attorney Allard ang hawak niyang folder at isang flash drive na naglalaman ng ilang CCTV footage. Pinakita ni Attorney Allard ang papers sa Judge at tahimik na binasa ang mga nakapaloob do'n.
Nang matapos niyang suriin 'yon ay pinaunlakan niya si Attorney Allard na ipanood ang mga video clips na nasa flash drive. Nagsimulang magbulung-bulangan ang mga tao rito dahil sa mga nasaksihan.
I looked at Lieutenant Siergel while smirking devily. His eyes screams in extreme anger. Mas lumawak ang ngiti ko nang akmang huhugutin niya ang baril ng kasama niya kaso mabilis siyang napigilan.
"Ms. Sheldon, nasaan ka nang oras na namatay si Ms. Gajez?" Attorney Allard continue to ask.
"I was on my way back to where I used to live. Galing ako sa bahay ni Tito Adam, which is Ms. Martin's father. Pauwi na ako nang marinig ang isang sigaw sa may palayan. Hindi ko pinansin 'yon noong una pero, nakaramdam ako nang matinding kaba dahil palakas nang palakas ang mga sigaw." She stopped. "I just found myself walking towards to that noise. Mabilis akong nagtago nang makita si Lieutenant Siergel na ginagahasa si Ms. Gajez at pagkatapos ay walang awang pinatay na parang hayop."
Mas lumakas ang bulungan sa loob ng korte. May mga napasinghap at may mga hindi makapaniwala.
Ganyan nga, Ylona. You're doing a great job.
"Hindi totoo 'yan! Hindi totoo 'yan!" Sigaw ni Lieutenant Siergel na umalingawngaw sa buong kwarto. Agad naman siyang pinatahimik ng mga kasamahan niya.
"Silence in the court!" Maawtoridad na wika ng Judge.
"In Ms. Naranjo's case, where were you at that time?" Allard asked seriously.
"I was at the bar back then, watching and guarding Iana from afar. Nando'n din sila Officer Harwell at mga kaibigan niya." Sagot niya. "At the exact time of 2:43 AM, biglang nagkaroon ng electrical failure sa bar. Ilang minuto rin ang itinagal no'n. The crowd became wilder and louder than usual. I was on my way to the CR to pee. Iana was there too."
Nangunot ang noo ko nang malaman 'yon. So, Iana lied to me? Ang sabi niya sa akin, hindi niya ako iniwan noong gabing 'yon dahil mag-isa lang ako sa bahay niya. Oh, shit. Nice trick.
"How did you know that Ms. Martin was there?" Singit na tanong ni Attorney sa kaniya.
"She's my best friend for a long time. I was being able to determine her by her scent and figure. Kahit madilim, alam kong siya ang kaharap ko dahil na rin sa tagal naming magkakilala." Prenteng sagot niya.

BINABASA MO ANG
Trapped
Mystery / Thriller"If being in hell is the only way to be with her, then I am pleasure to suffer hell every single day." -Police Officer Allison Harwell Allison Harwell, a sage Police Officer who solved several crime cases. A determined Police Officer who doesn't kno...