PROLOGUE

8 1 0
                                    

"Ahhh!" Napatid ako sa isang bagay hindi ko alam kong ano. Salamat na lamang at hawak ako ng batang lalaking nagligtas sa akin mula sa kamay ng mga kidnappers na dumukot sa akin may dalawang araw na rin ang nakakaraan.

"Tumayo ka, hindi nila tayo pwedeng abutan dito."

"Pero pagod na ako. Masakit na ang mga paa ko."

"Mamili ka ang pagsakit ng mga paa mo o buhay nating dalawa." Aniya.

"Hindi nila ako papatayin, dahil magbabayad ng ransom ang daddy ko." Alam ko hindi ako papabayaan ng akin ama. Marami siyang negosyo at salapi na maaaring ipangtubos sa akin.

Mula sa ilaw na ng gagaling sa sinig ng buwan ay nakitang kong nginisian lang ako ng binatilyo aking kasama. Sa tingin ko matanda lamang ito ng dalawang taon sa akin, dahil mukha na kasi itong fourteen year old.

"Hindi lang ransom ang kailangan nila dahil gusto din nilang makaganti sa ama mo, kaya hindi ako siguradong pakakawalan ka nila ng ganon na lamang. Kaya bilisan mo na lang ang pagtakbo kung gusto mo pang makauwing buhay."

"Hanapin n'yo hindi makakatayo yon. Bilin ni Boss, huwag sasaktan ang batang babae pero itumba na daw si Jellan."

Narinig kong sabi ng isang tao na tila malapit lamang sa amin. At ang pagkakasa nila ng mga baril. Malapit na ba kaming mamatay?

"Tara na bilis." Nagkasa rin ng hawak niyang baril ang aking kasama. Bago niya ako walang sabisabing hilahin patakbo palayo sa lugar na iyon. Muli kaming tumakbo sa madilim at masukal na gubat na iyon.

"Hayon, sila!"

Ang malalakas ng putok ng mga baril ay umalingaw-ngaw sa katahimikan ng gabi.

Nagkubli kami sa katawan ng isang malaking puno. nakikipagpalitan ng putok ang batang lalaki sa mga kidnappers.

"Kahit anong mangyari wag na wag kang lalayo sa tabi ko." sabi niya sa akin.

Tumango ako at hinawakan ang laylayan ng kanyang damit. Natatakot ako at kinakabahay tuwing ganon ang aking nararamdamang takot ay kinahawakan ko ang laylayan ng damit ni mama.

Napalingon siya sa akin. Gawain ko yun sa tuwing matatakot ako.

"Hanggang andito ako wala kang dapat ikatakot hindi kita papabayaan." sabi niya sa akin.

A/N hope sana may bumasa naman nito.. Salamata po.

AGENT: Dream CatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon