Chapter 3

2 1 0
                                    

Curse's POV...

Mula sa binocular na hawak ko ay nakita ko ang pag pasok nina Elliery at ng kaibigan niyang si Xenna sa school cafeteria. Mula sa aking kinatatayuang rooftop ay kita ang kabuong lawak ng Asian Green Field Academy, at maging ang mga tao at mga ginagawa ng mga ito.

Naramdaman ko ang papalapit na mga yabag sa aking likuran.

"Nakuwa mo ba ang punakukuwa ko?" Tanong ng bagong dating.

Kinuwa ko ang cellphone ni Elliery mula sa bulsa ng suot kong slacks at iniabot iyon kay Vin. Nakuwa ko iyon ng palihim ng sadyain kong banggain ang dalaga kanina.

Kinuwa ni Vin ang cellphone at may binuksan ang laptop nadala at isang USB cord na isinaksak sa doon at sa cellphone ni Elliery. Isang computer expert at bomb defuser expert si Vin kaya hindi nakakapagtakang walang hirap na mabuksan at mapakialam nito ang nasabing cellphone ang walang kahirap hirap.

"Bilisan mo hindi dapat mamalayan ni Elliery nawawala ang cellphone." sabi ko na nakasubaybay lang sa galaw ng dalaga.

"May plano ka na ba kung paano mo ito ibabalik sa supladang iyon." Patuloy ito sa pagpindot sa cellphone.

Nilalagyan ni Vin ng microphone chips voice connector ang cellphone para lahat ng mga calls in and out ay malalaman namin ng hindi na mamalayan ng dalaga. May application din iyong ininstall para ma truck namin ang location nito. Mas mapapadali rin ang aming misyon sa paraang ito.

"Bakit may naisip ka bang paraan kung paano yan maibabalik ng hindi nahahalata ni Elliery?" balik tanong ko sa kanya.

"Magtatanong ba ako sayo kung may alam akong paraan." Aniya sabay tawa.

Noong pa man ay kami na ni Vin ang laging partner sa mga field assignment ng organization. Ako ang dating Captain niya sa aking dating team. Pero dahil sa isang maling disisyon na naging dahilan upang ikamatay ng aking dalawang member at bilang kaparusahan ibinababa ang ranggo ko at inalis ako sa magiging Captain ng sarili kong team.

"Bilisan mo ang trabaho mo dyan Vin." Sabawat ng bagong dati ng si Fenryll. Nakadisguise ng isang school janitress.

"Ito na patapus na ko dito. Akin na ang cellphone mo Curse." sabi ni Vin.

Bago ko ibigay sa kanya ang aking cellphone ay hawak na niya ito kung paano hindi ko din alam, dahil mabilis at listo si Vin. Isa sa mga abilidad ng mga sundalong tulad namin ang maging listo at mabilis subalit kung pagiging mabilis ang pag uusapan walang tatalo kay Vin nakakalapit nga ito sa target ng hindi namamalayan nino man eh.

"I need your report Dream catcher." Aniya ng aming Captain na si Fenryll.

"Salute! Here's my report. Sa ngayon wala pang kahinahinalang tao, the subject is clear so far. Pero na ka monitor namana ko sa target."

"Good." Kinuwa ni Fenryll ang binocular na hawak ko at sumilip doon. Maya maya ay ibinalik din niya sa akin ang telesope.

"I'm done. Lahat ng in calls at out calls na manggagaling sa cellphone na ito ay matatanggap at maririnig mo din Curse dahil may application ako ini-install sa cellphone ng subject para kahit ilang minotong mawaglit man siya sa paningin mo wala tayo makakaligtaan. Mahalaga ang buhay niya." Paliwanag ni Vin.

"Eh ang mga surveillance camera na ilagay mo na din ba sa apartment ng subject?" tanong ni Fenryll.

"Done." Kumindat si Vin kay Fenryll.

"Good, back to work. Curse, kailangan mong maingat. Gumawa ka nang paraan para mapalapit sa subject upang hindi ka maging kahinahinala. Hindi niya dapat malaman ang tungkol sa amin."

AGENT: Dream CatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon