Chapter 5

2 1 0
                                    


ELLIERY'S POV

Paglabas ko ng apartment ay hindi ko inaasahan kung sino ang makikita kong lumabas sa katapat na apartment. Bakit ganon minsan parang nananadyang kung sino pa ang taong kinaiinisan mo siya pa talaga ang bubulaga sayo. Hindi ako sigurado kung nakita ba ako ng lalaking palabas sa gate ng katapat na apartment.

Para akong walang nakita at ilampasan ko siya. Hindi siya kumibo ilang metro lang ang pinalampas niya at sumunod na din siya sa akin. Nayayabang nga talaga ako sa isang ito.

Nag abang ako ng taxi. Nakaugalian ko na iyon sa akin pagpasok. May tranportation allowance naman kasi ako kaya hindi iyon problema.

Nang may humintong taxi sa tapat ko ay agad akong sumakay sa backseat.

"Asian-"

"Asian green flied academy po mang." Nakangiting sabi ng taong umupo sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo dito. Nauna ko sa taxi na ito."

"Nauna ka lang sumakay pero ako talagang ang tumawag at suminyas sa taxi na ito." Nakangiti wika ni Cruse.

Ngayon alam ko na kung bakit 'Curse' ang pangalan niya. Kung ganitong tao talaga ang makakasama mo sa buhay ay talagang araw araw mo itong masusumpa sa pagiging magapas na ugali nito.

"Ok fine! Iiyong iyo na ang taxi na to, kung angkinin mo akala ikaw ang bumili eh pasahero ka lang naman ito." Binuksan ko na ang pinto ng taxi. Well wala ako sa mood makipagtalo. Baba na sana ako ng magsalita ulit yong driver.

"Kung iisang school lang naman kayo. Bakit hindi na lang kayo magsabay. Hay! Ganon to na ba mag away ang mga mag nobya ngayon?"

"Hindi ko-"

"Hay! Hali ka na kasi ang dami mo pa kasing arte eh." Hinila niya ako ulit papasok sa loob kaya hindi ako nakalabas.

Naiiling na pinaandar ng driver ang taxi. Wala akong nagawa kung Hindi inirapan siya dahil sa inis.

"Let me correct you manong driver, Hindi ko boyfriend ang lalaking 'to. Stalker ko siya." naiinis ko turan.

Habang biyahe wala kaming imikan. Halata naman na ayaw namin sa isat isa.

Pagdating sa tapat ng gate ng school ay hinayaan ko siya na magbayad sa taxi. Next time para wala akong makasabay na asungot ay mag bobook na lang ako grab.

Nagkakagulo ang mga estudyante sa student bulletin board. Kaya nakiusisa din ako sa kung ano mang mayroon doon. Baka may announcement kaya ganon.

Para akong binagsakan ng bato sa akin nabasa.

"Fredirico De silva, illegitimate daughter was hide her identity"

Isang picture na may edit smilings face ang tumatakip sa akin mukhang pero alam kong picture iyon. Pero sinong ang maaaring gumawa non?

Sino man iyon ay tiyak na isa iyon sa mga kinalaman sa sinapit ng aking ama. Hahakbang saan ako palabit sa bulletin board ng may pimigil sa akin mula sa likod.

"Male-late na tayo. Tara na." aniya ni Curse na hinila ako sa pamamagitan ng pag hawak sa aking backpack.

Napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin. Biglang kumabog ang puso ng kumindat pa siya sa akin. Pinilit ko palisin ang kanyang kamay inirapan ko siya para maunang mag lakad. Tama siya malelate na kami. Pero sino bang prank ng ganon bagay.

Pasalamat ako kay Curse mukhang gusto palabasin ng taon mag kagagawan non kung sino talaga ako. Buti na lang at pinigilan ako ni Curse.

One wrong move at mapapahamak kaya kailangan kong magdoble ng aking pag iingat.

Habang PE class ay grouping kami may classical dance daw kaming gagawin para sa na lalapit na acamademic ball.

"May partner ka na ba?" dalawang tao ang nagtanong sa akin ng magkasabay si Curse at Carl. Si Carl yung nerd naming classmate na non pa daw may crush sa akin. Sa totoo lang ayoko siyang maging partner dahil sa tuwing magsasalita ito ay parang malaglag ang postiso nito.

"Mayroon na eh, siya." sabi ko na humawak sa braso ni Curse.

"Ganon ba." anito na napapakamot ng ulo na naglakad palayo para mag hanap ng ibang kapareha.

"So, its mean tayo na ang magkapartner?" tanong ni Curse sa akin.

"May pag pipilian pa ba ako. Kung meron lang sana." pasaring ko.

Mas gusto ko naman na siya ang magingka group kaysa kay Carl.

Nagprantice kami ng classical dance. Kaya ng matapos ang PE ay mga pagod kami. Nagpalit ako ng school uniform at pinabi ko ang aking PE uniform binuksan ko ang loocket ko na malaglag ang isang nakatuping papel.

Pinulot iyon at binuksan muli akong kinabahan sa akin na basa.

"Kilala kita, isang kang De silva."

Tinignan ko ang buong loocket room. Sino mang nagpaprank sa akin ng ganon. Kung sino man may ganon maaring kilala niya nga talaga ako dahil sino sa school wala may alam ng koneksyon ko kay Fredirico De silva. Kinuwa ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang aking tiyahin.

"Tita, may mga taong nakakaalam kung sino ako." palingalinga ako habang kausap ko ang aking tiyahin.

"Mag-iingat ka. Sinasabi ko naman sayo na dumito ka na lang sa London. Para nagagabayan kita. Kung buhay ang mommy hindi na siya papayag pa na umuwi ka sa Pilipinas." panimulang ser mong niya sa akin.

Humingan ako ng malalim bago ako sumagot sa kanya. "Hindi pa ako maaaring bumalik sa London ng hindi ko na lalaman kung hindi nasa likod ng lahat ng ito. Maging ang pagkamatay ni Daddy."

"Hinding hindi pipigilan, dahil kilala kita hindi ka pagigil pero isang ang pinaaalala ko sayo. Mag-ingat ka."

"Opo tita."

AUTOR'S POV

Kanina pa tapos ang huling klase ni Elliery para sa maghapon ito. Naiisipan ng dalaga na magtungo sa isang mall na malapit lang sa kanyang apartment.

Naisipan ng babae na dumaan sa isang target shooting area sa taas ng mall. Wala mang sapat ng pag aaral ng paghawak ng baril ay natuto siya unti unti. Dahil madalas niya gawin iyon. Masasabi din niyang walang mintis ang bawat pag asinta niya. Lahat ay dahil sa sarili niyang sikap.

Kayang kaya ni Elliery na pagtanggol sa kahit kanino man ang kanyang sarili. Hindi niya kailangan masabi o mag report kanino man na nasa panganib siya. She live with this kind of life 4 years ago ng bumalik siya sa Pilipinas sa pag nanais makilala at makasama ang ama. Na hindi naman naging madali dahil sa pamilya nito.

Kung hindi kayang bigyan ng hustisya sa bansang ito ang kanyang ama gagawa siya ng paraan para maibigay iyon sa paraan alam niya. Malaman lang niya ang mga nasa likod ng lahat ay sinisiguro niya mag babayad ng malaki ang mga ito.

"Pwede kitang turuan na mas gumaling sa paghawak ng baril." sabi ng babaeng nakatayo sa likod ni Elliery.

Tinginan ito ni Elliery. Mahaba at tuwid ang bihok nito na tila isang real life barbie. Pati ang katawan at mala barbie.

Lumapit ito sa kanya ay inayos ang posture ng kanyang katawan. Iniuma nito ang kanya baril sa harap at pwesto sa kanyang likod. "Aim your target. Take a deep breath then shot."
Aniya.

Nanglaki ang mga mata ng dalaga ng makita mas marami siya natarget sa shooting fire kaysa dati. Nagpasalamat naman si Elliery sa tulong babae. Hindi kumibo ang babae at naglakad palayo.

Ewan ba ni Elliery pero may kung anong kakaiba sa babaeng iyon. After ng fire shoiting ay umalis na siya sa mall at umuwi. Tulad ng dati mag isa na naman siyang kumain at inasikaso ang kanyang sarili. Tapos ay nag aral ng lession.

***

AGENT: Dream CatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon