"Is it true? You're having an affair with that man?" Halos pumutok ang litid sa ni Gustavo sa leeg dahil sa labis na galit para bunsong anak. "Answer me, Faye Esperanza Cardinal!"
Faye almost jump from her seat hearing her father's outburst. Naiiyak sya at halos tambulin na ang dibdib nya sa kaba. Nanginginig ang kanyang mga kamay kaya't pinagsikop nya ang mga iyon. Even her lips is trembling in fear. Kakaiba ang galit nito ngayon at tiyak syang hindi lang sigaw ang aabutin nya.
The feeling of betrayal is eating her too kundi lang pinangungunahan ng takot para sa sarili dahil kay sa kanyang ama ay baka sinugod na nya ang nobyo ang sinasabing asawa nito upang komprontahin. Never she had imagine that she'll be a mistress! Ilang taon na single si Silvero bago pa maging sila kaya't hindi sya makapaniwala. Nakakagalit lang sa side nya dahil sya ang agrabyado.
Kung alam nya lang noong una pa lang ay hindi nya sana pinatulan si Silvero. Ngunit huli na, mahal nya ang nobyo at kumikirot ang puso nya sa isiping hindi lang sya ang babae sa buhay nito.
Pumikit sya ng mariin. "I don't know... I didn't even know that he's married---"
"At talagang may relasyon kayo ng lalakeng iyon?!" sigaw muli ng kanyang ama.
"Mahal ko sya, papa. At... siguradong ako ang pipiliin nya. Hihiwalayan nya ang babaeng iyon," aniya sa mababang tinig.
She bit her lower lip.
"Tonta! Sa dinami-rami ng lalake... really, Faye?" Malalim na hininga ang pinakawalan nito bago pasalampak na umupo sa isahang sofa. Minasahe nito ang sentido. "Malaking eskandalo ito. Napakalaki, at maaring aapektuhan ang negosyo natin! Ano ang iisipin ng mga tao na ang anak ng may ari ng E.C.C ay may karelasyong empleyado, may asawang empleyado!"
She knows. Siguradong pagkakaguluhan sya ng media. Hindi lang iyon, baka lalong maghigpit sa kanya ang ama.
"I'm sure he has his reasons. Maybe that big fat woman is also bluffing!" buo ang loob nyang sabi.
"He's married! Ayon! nakabuntis at ipinakasal ng mga magulang dahil sa kahihiyan. Imbitado pa ako sa kasal ng tarantadong 'yon. Hindi ko lubos maisip na papatualan mo ang tulad nya! Sampung taon ang tanda non sayo, ah!" Tumingin ito sa dalawang kapatid na pawang nakayuko. "May alam ba kayo rito, Emerald, Eunice?"
Napaiwas ng tingin si Eunice samantalang napayuko si Emerald. Nakabalatay sa mukha ni Esmeralda ang labis na pagkabahala para sa anak.
Nang hindi sumagot ang dalawa ay napamura ito. "I can't believe that you both spoiled her this much..."
Eunice tried to speak, "Hindi rin namin alam, papa. We also warned her---"
"Wala ng magagawa ang ekplanasyon nyo! Siguradong kakalat ang eskandalo sa mga peryodiko bukas na bukas din at kailangan ko iyong mapigilan." Naglipat ang tingin nito kay Emerald pagkatapos ay sa kanya. "Si Emerald sana ang una kong ipakakasal dahil sya ang panganay at ang may pakialam sa negosyo ng pamilya, ngunit napakatigas ng ulo mo, Faye. You leave me no choice... Magpapakasal ka ora mismo nang sa gayon ay walang maniwala sa paratang ng asawa ng lalakeng iyon."
"What? No!"
"I will marry her," may diing sambit ni Alejandro na nakapwesto sa kanyang tabi.
Muntik na nyang makalimutan na naroon si Alejandro. Tumulong ito na itakas sya matapos ang naganap na kaguluhan.
Galit nya itong binalingan. "Are you kidding me?"