"Look what you did, papa! Napahamak si Faye dahil sa lalaking iyon!"
"Anak, stop it. Maging ang ama mo ay biktima rin. He doesn't want to let Faye behind bars! He also thought your sister... accidentally killed someone."
"But!-"
Nagising si Faye sa ingay. Namulatan nya ang puting kisame. Nilingon nya ang magulang at mga kapatid.
"She's awake!" bulalas ni Emerald.
Agad na pinalibutan sya ng mga ito.
"Are you alright?" nag-aalalang tanong ng kanyang ina.
She nodded, agad hinanap ng mga mata ang asawa.
"I'll call the Doctor," her father told.
"What happened? How's my baby? Where's Alejandro?" Sunod-sunod nyang tanong.
"The baby is fine, hija."
"Ang asawa ko? I doubt him, mama! Hindi ko alam na... na si Yñigo ang nagsisinungaling."
Inalo sya ng ina.
"I want to see him..."
Nagkatinginan ang tatlo. Eunice cleared her throat. "I told you, he was dangerous. Napahawak ka dahil sa kanya."
"It's not his fault---"
"Umamin na sya sa amin. He married you just for... a revenge! He and that Yñigo wants to put you behind bars dahil sa kasalang hindi mo naman ginawa!" patuloy nito.
Ngunit pinagsisihan iyon ni Alejandro! He was just mistaken and also, he didn't hurt her even though he thought that she is the suspect.
She looked at her mother. "I want to see him, mama. I need him... we're having a baby."
Bago pa man sumagot ang kanyang ina ay pumasok na ang Doktor kasama ang kanyang ama.
The Doctor told about the findings of her condition. Dahil daw sa nerbyos kaya sya nagpassed out. She's also stressed and it's bad for her baby. Iyon ang higit na iniiwasan nya ngunit nangyari pa rin dahil kay Yñigo! She shouldn't believe him... Kasalanan nya! Kung bakit ba kasi kay bilis nya mauto!
The Doctor also reminded her to avoid stress and have a healthy lifestyle.
"We will look after you. Sa mansyon ka na ulit titira, maaalagaan ka do'n," pahayag ng kanyang ama.
"Where's Alejandro, papa?"
"And about your annulment-"
Sa nanlalaking mga mata ay pinutol nya ang sasabihin ng ama. "What annulment? Wala kaming napagkasunduan ni Alejandro na ganyan!"
"Calm down, hija. It's for your own good."
"Pero, pa.... I want to see him. I need him... my baby needs his father too!"
"No-"
"Stop it, Gustavo. Let them be." Pigil ng kanyang ina sa plano nito patungkol sa annulment.
"Emerald, papasukin mo si Alejandro. Kanina pa iyon sa labas."
May bahid ng pag-aalala sa mukhang binalingan sya muli ng ama. "Are you sure about this? Sinaktan ka nya... At hindi ko mapapatawad ang lalakeng iyon kung may masamang nangyari sa inyo ng magiging apo ko."
She smiled to assure them. Gayunpaman ay na nakikitaan nya ng galit ang mga mata ng ama. Tila hindi ito patitinag sa plano.
Alejandro hurriedly went to her the moment he entered the room. Lumuhod ito sa gilid nya at maingat na hinawakan ang mga kamay nya.
The moment he saw her, his eyebrows pulled back together. Nakabalatay ang pag-aalala sa mukha nito. "Kumusta ang pakiramdam mo? Do you want to eat something or... rest more?"
He's worried, it's obvious but is it for her? Or the child alone? She's not sure.
Umiwas sya ng tingin. What if he doesn't feel the same way? Can she handle that? Hindi yata.
"Hey, what's wrong? Why are you crying? I'm so sorry but I didn't fake all that happened in that island... Inaamin kong sumang-ayon ako sa plano ni Yñigo ngunit kalauanan ay napagtanto ko ang nararamdaman para sa 'yo kaya itinago kita sa isla para hindi ka masaktan ni Yñigo," he explained pleadingly.
Humigpit ang hawak nito sa kamay nya. "I left to talk to him, clear things and also ask for your parents forgiveness. Hindi sumipot si Yñigo sa usapan, iyon pala ay may masamang balak na. I know it's not you who killed Natalie. Ang dati mong nobyo ang may pakana ng lahat at ngayon ay nasa kulungan na sya. I successfully get justice for Natalie, my childhood friend."
"Yñigo said you love her... very much," she numbled then look away again.
"Hindi iyon totoo! Kung may pagmamahal man ako sa kanya ay bilang kaibigan lamang. Ikaw, ikaw ang mahal ko. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ngunit sigurado ako... I don't want you to leave me... Hindi ko kaya." Nakikitaan nya ng takot ang mga mata nito.
Tears pooled her eyes again. "I'm sorry... I didn't trust you enough so I... I believed Yñigo."
Marahang pinahid nito ang mga luha nya. "It's okay. May kasalanan ako. I deserve to be punish too. Tatanggapin ko ang anumang parusa, but please... don't try to leave me again."
"Do you regret marrying me?"
"No! What I regret is that I also blamed you at first. I'm sorry. I promise to be a good husband this time. Please, forgive me... Please give me a chance to prove my love for you..." pagsusumamo nito.
Sadness and fear are gone. Napalitan iyon ng labis na kasiyahan. She's so happy to know that he feel the same way. Excited at the same time for the upcoming days with him.
"Pinapatawad na kita. Ipinapangako kong buo na ang tiwala ko sa 'yo magmula ngayon... Mahal din kita, Alejandro."