Kanina pa palakad-lakad si Faye. Namomoblema sya kung paano makakapag-isa. Matapos kasi ng nangyari noong isang gabi ay hindi na sya hinayaan ni Alejandro mag-isa. Kung hindi ito ay si manang Nida ang nakabantay sa kanya.
"I want us to know each other. That's why I brought you here... Uuwi rin tayo sa inyo. This is just for a month, babe. We're married and I don't plan to annulled this marriage, I'll try to make this work..." Paliwanag nito.
Hindi naman masama ang intensyon nito kaya pumayag syang manatili. Ngunit habang tumatagal ay nagugustuhan nya na ito. The way he cares for her.
And those endless love making every night is addicting. Hindi nya matanggihan dahil gusto nya rin. He makes her feel lots of emotion.
Napakagat sya sa ibabang labi. Nasuyod nya na ang buong isla. Kung sana ay payagan sya ng asawang lumuwas para sa trabaho nya. Hindi sana sya mabuburyo.
"Hindi ka pa raw nag-aalmusal," salubong ni Alejandro pagpasok ng silid.
"Busog pa ako," pagsisinungaling nya. Umiwas sya nang tingin nang maalala ang nagaganap sa pagitan nila.
Gusto nyang isipin na purong pagnanasa lang ang namamagitan sa kanilang dalawa. Natatakot kasi syang umibig muli. Hindi pa sya handang magbukas ng pinto para sa bagong relasyon knowing what happened to her and Silvero. But it seems like Alejandro is making his way to her heart.
'But you're married!' sigaw ng kanyang isipan.
Pumikit sya ng mariin. They married para maisalba sya sa eskandalo! At may inalok kay Alejandro ang kanyang ama na hindi raw nito matanggihan kaya sya pinakasalan, sa tanda nya. Iyon ang pinanghahawakan nya sa puntong iyon.
"Until when are we staying here? Nakalipas na ang isang buwan." Pagbubukas nya ng usapan.
She rolled her eyes when he tried to get a hold of her. Iniwas nya ang sarili at naupo sa pang-isahang sofa.
Sumunod ito at nanatiling nakatayo sa harap nya. "Pinarerenovate ko ang bahay sa asyenda kaya pansamantala ay dito muna tayo."
Kumunot ang noo nya. "We can stay in our house in Manila or in your condo unit," suhestyon pa nya.
Hindi nya maintindihan ang punto nito. Maari naman sila sa Manila, nandon din naman ang magulang nito kaya hindi nya maunawaan kung bakit ayaw nito sa roon.
"I know you're upset about my sudden change of decision. Bear with me, please... I still want you alone." Saad nito at pinatong ang magkabilang kamay sa magkabilang gilid ng sofa. Yumuko pa ito upang magkalapit ang mukha nila.
Pinamulahan sya ng mukha.
"If you want to swim, sasamahan kita. O kung gusto mong mapag-isa wear descent clothes at hayaan mo ang tatlong guard na magbantay mula sa malayo."
Isa pa iyon! Tatlong lalake yata ang namataan nyang nakabantay sa bawat kilos nya kapag sya ay nasa labas. Tila sya isang kriminal na binabantayan!
Crossing her arms, she frowned. "At para saan nga pala ang guards? Mukha ba akong makakatakas dito? I did something stupid last time at baliw ako kung lalanguyin ko naman ang dagat makaalis lang. I learned my lesson at naiintindihan ko ang rason mo pero..."
"I see... You're really upset," sambit nito at tila ba natutuwa pa sa reaksyon nya.
Naamoy nya ang mabangong hininga nito. That's when she realized that he's so near. Itinukod nya ang mga kamay sa dibdib nito bago pa ito makahalik sa tungki ng ilong nya.
"Lumayo ka nga!"
"I can make your upset... gone," he said huskily.
Napalunok sya at naglakbay ang paningin sa katawan ng asawa. "Don't you dare! I'm still sore!" Sabi nya sa nanlalaking mata.
To her surprised, he burst out laughing. Nagtagal ang titig nya rito.
"That's not what I meant, babe. Ipagluluto sana kita," saad nito nang may multo pa rin ng ngiti sa labi.
She felt her cheeks heated. Inis syang tumayo ay nagmartsa paakyat ng silid. Great! She just embarrassed herself!
-
"Do you want me to send a chopper there?" nag-aalalang sambit ni Eunice.
She videocall her sisters and told them what happened... na dinala sya ni Alejandro sa isang private island at plano nitong do'n muna manirahan.
Alejandro lend her a new phone. Naiwan daw nito ang kanyang cellphone sa condo na tinanggap nya naman.
"Don't bother. Can't you get it? It's your honeymoon. Natural na gusto ka nyang masolo," sarkastikong sabat ni Emerald.
Alam nya. "Pero..."
"What Alejandro is doing to you now is possessiveness and later on will turn out to be poisonous. He'll make you submissive para nga naman mapadali ang lahat..."
"Bakit nya naman gagawin iyon?" Hindi nya mapigilang magtaka.
"Stop it, Eunice! You're scaring her!" Banta ni Emerald ngunit nagpatuloy pa rin si Eunice.
"You know, boys will always be boys. Ang nangyari sa inyo ni Silvero ay mauulit, kaibahan nga lang... ikaw ang asawa."
"So, you're saying that he'll cheat on me?"
"Exactly!"
"But I don't love him---"
"Oh! C'mon! I know you, mabilis kang mahulog kapag naramdaman mong komportable ka sa isang tao. Yung sa una ay mabait pero kalaunan ay lolokohin ka rin. He's so handsome and admirable, and any woman would want him for themselves! Kaya't hanggat maari ay umiwas ka na," patuloy na pangaral ni Eunice.
Hanggang sa pagtulog ay hindi maalis sa isipan nya iyon. Falling for him is imposible. She won't fall for him. Hindi nya ito tipo. Naiirita sya sa laging pagdikit nito sa kanya. She hates seeing him happy when she's funning mad. Kaya't imposible ngunit kung posibilidad man... will he cheat on her? He will, definitely! Nagawa nga ni Silvero na magtago sa kanya ng sikretong isa syang kabit! Paano kung... mas malala pa ang idulot ni Alejandro sa kanya?
Kaya nga kailangan nya itong iwasan. It's dangerous. Her heart is slowly healing and she doesn't want to let it broke again.
Hanggang sa makatulog sya ay iyon ang bumabagabag sa kanya.