"I don't understand why should we live in the same roof!" Palatak ni Faye sa asawa.
Hindi pa man natatapos ang pagdiriwang ay iniuwi na sya ni Alejandro sa condo unit nito dahil kinabukasan raw ay maagang tutulak sa San Ignacio kung saan may malaking lupain ang namana si Alejandro mula sa pumanaw na lolo na ginawa naman nitong plantasyon ng mga gulay at prutas. Mayroon din itong sariling bahay doon.
"Maging ang trip to Paris ay tinanggihan mo rin. You can just tell me if you don't want to go, I can go by myself alone nang hindi natin ipapaalam sa ating mga magulang," dugtong nya pa.
Ang trip to Paris na regalo ng Mag-asawang Valliente ay tahasan nitong tinanggihan. At hindi sya makapaniwalang sapilitan pa syang sumama rito ngayon!
"We can go there some other time. May naiwan akong trabaho sa asyenda." Humarap ito sa salamin at sinimulan nitong tanggalin ang pang-itaas.
Halos ihilamos nya ang mga palad sa mukha sa pagkadismaya.
"And about the honeymoon-"
Pinamulahan sya ng mukha at agad pinutol ang sasabihin nito. "Hindi iyon! Ang pagtira sa ibang lugar ang tinutukoy ko. I don't want to leave Manila, this is my home. Saka hindi mo na kailangang pa na isama ako."
Hinagis nito ang hinubad sa na pang-itaas sa kung saan. "We're not fighting over this, Faye. Natural na isama kita pauwi dahil asawa na kita. Hindi ka ipinakasal sa akin para lang magliwaliw muli at gumawa ng panibagong eskandalo."
Iniwas nya ang tingin sa asawa. For pete's sake! Paano nito nagagawang magsalita ng kaswal sa kanyang harapan gayong boxer na lang ang suot nito.
Nagpatuloy sya. "Ang... Ang proposal ni papa na sinasabi mo, hindi ba't pera iyon? O business franchise na ipinamahala nya sa iyo... Hindi tayo maaring umalis---"
"Cut it already, Faye Esperanza . I'm tired. Go on and change. I'll take a shower," he said ending their conversation then went inside the bathroom.
Umirap sya sa kawalan pagkatapos ay sumalampak sa maliit na sofa. Saka nya lang naramdaman ang pagod. Everything's draining her... Mula sa mga biglaang desisyon hanggang sa pagtatalo nilang palagi ni Alejandro.
She breathe heavily pagkatapos ay iginalang muli ang tingin sa silid. Iyon lang ang nag-iisang kwarto sa condo unit nito. Plain cream colored wall, has a king size bed, closet, bathroom, and a bedside table.
Hinanap ng mga mata nya ang maleta kung saan naroon ang mga damit ngunit napagtantong wala iyon. Mahigpit nyang ipinagbilin kay Alejandro iyon kanina, na dadaanan nila ang mga gamit nya ngunit hindi nila iyon nagawa. Oh shit!
Nais nyang maligo at kanina pa nanlalagkit ang katawan. Ngunit wala syang damit. Maswerte sya't sa maliit na pouch ay naroon ang spare panty pero hindi sapat iyon! Goodness gracious!
Maya-maya ay lumabas si Alejandro ng banyo na tuwalya lamang ang tumatakip sa pang-ibaba. Mamasa-masa pa ang buhok nito. When her eyes reach his toned abdomen, halos mapalunok sya.
"You're not eye-raping me, aren't you?" pang-aasar nito.
"Of course not!" maagap nyang sabi.
"Wala akong damit. Ang sabi ko'y dadaanan natin ang mga gamit ko ngunit hindi manlang tayo tumigil sandali sa bahay namin," reklamo nya.
Lumapit ito sa cabinet. Kinuha mula roon ang isang malaking t-shirt matapos ay inabot sa kanya. "This will do for now. Bukas ay maaga kong kukunin ang mga gamit mo."