The Start

151 3 0
                                    

Third year highschool nang simula naging kami ni Macky Buenavista and now im fourth year highschool it means we're one year already, omegad emsekenekeleg hahaha.

He's so perfect. Gwapo, Mayaman, Matalino, Ma'effort, Mabait. Lahat na. Sa sobrang perfect niya pati relasyon namin perfect na din.

Naglalakad ako sa hallway ng may kumalabit sa'kin. Pagharap ko isang nilalang na napakagwapo ang bumungad sa'kin.

"Hello beautiful" aniya nang nakangiti.

Napangiti ako. I feel the butterflies in my stomach. Feeling ko ang pula pula na ng pisngi ko.

"Dami mong alam Macky Buenavista hahaha"

Tama. Yung taong mahal ko yun hihihi. Hindi ako nangagaliwa noh!

"Madami talaga akong alam, lalo na't pag pinapakilig ka Janella Delvalle." sabi niya sabay kindat. sheeet gwapo

Hindi na ako nakaimik. kinikilig talaga ako eh. Inakbayan niya na ako habang naglalakad

"Hatid na kita" nag nod lang ako. Hindi ako makaimik, kinikilig pa din ako hanggang ngayon.

"Baby, hindi kita masusunod mamaya ha? may tatapusin pa kasi ako eh. Okay lang ba?"

Yung kilig ko biglang nawala. Ilang araw niya na kasi ako hindi nasusundo eh, I miss him badly. Pero as a girlfriend i need to be understanding.

"Okay lang. Ano ka ba! Naiintindihan naman kita eh, graduating na tayo kaya busy na" Nag iwas siya ng tingin sa'kin. Wala nang nagsalita samin pag tapos nun.

"hoy baby, mag-aral ng maayos ha? hindi puro ako ang iniisip." Natawa ako or should i say kinilig ako sa sinabi niya hahaha

"Hiya naman ako sayo baby, sino kaya ang nagtetex sa'kin habang may klase? Tapos sasabihin na miss niya na ko?"

Nandito na kasi kami sa harap ng room ko, wala pa naman teacher kaya pwede pa makipagdaldalan.

"Malay ko, sino ba yun?" Sabi niya sa'kin. Obviously siya yun, kotongan ko tong isang to e.

"Malay ko din hahaha sige na pumunta ka na sa klase mo anong oras na eh"

"Oo nga pala. Sige, kita na lang tayo bukas."

Hinalikan niya ako sa Noo, katulad nang lagi niyang ginagawa.

"Always remember that i really love you baby"

Tumingin ako sa mata niya. "I do. I love you more baby"

Ngumiti siya sa'kin at tumalikod na. Papasok na sana ako ng nakita kong may lalaking nakatingin sa'kin. Nagulat ako ng naglakad siya papunta sa'kin habang nakangiti. Weird.

"I saw your boyfriend kissing someone. I thought Girlfriend niya yun, Eh kaso nakita kong magkasama kayo. So, obviously he cheated on you."

Napanganga ako sa sinabi nung lalaki. He saw my boyfriend kissing someone? baka ako yun? wait, hindi naman kami naglilips to lips in public place eh. No! No! No! Don't mind him Janella. Di mo naman kilala yun eh, mas mabuti nang pagkatiwalaan mo yung boyfriend mo.

Pag tingin ko sa harap ko, wala na yung lalaki. Buong araw occupied ang isip ko dahil sa sinabi sa'kin ng lalaking yun.

I text Macky.

where are you baby?

Lumipas ang ilang minuto hindi pa din siya nagrereply. Lumakas ang tibok ng puso ko. No Macky, Please don't you dare cheat on me. I can't.

Isang oras. Dalawa. Tatlo. TATLONG ORAS na wala pa din siyang reply. Tinawagan ko na siya pero hindi niya sinasagot.

Tinext ko ulit siya.

Walang reply? Fine. TSK

Nakauwi na ko sa bahay lahat lahat hindi pa din siya nagtetex. Baka busy? Walang load? Lowbat? wag ka kasing maghinala Janella basta basta, wag kang maniniwala sa lalaking di mo kilala.

Nakatulog ako sa kakahintay ng text niya pero wala pa din. Nagpasya na ko tawagan siya pero hindi niya pa din sinasagot.

Paano kung totoo nga yung sinabi sa'kin ng lalaki? Pinilig ko yung ulo ko. No Janelle, hindi totoo yun.

Nag-asikaso na ko para pumasok, nagpahatid na lang ako sa driver. Buong biyahe wala akong inisip kundi si Macky at yung lalaking yun.

"I saw your boyfriend kissing someone. I thought Girlfriend niya yun, Eh kaso nakita kong magkasama kayo. So, obviously he cheated on you."

Pinilig ko ang ulo ko dahil patuloy pa din nag piplay sa utak ko ang sinabi ng lalaking yun. That Boy!!

"Ma'am andito na po tayo" d'on lang ako nabalik sa sarili nu'ng nag salita si manong.

Lumabas na ko ng kotse. wala pa din talaga ako sa sarili ko. Habang naglalakad ako, may nahagip akong pamilyar sa'kin. That Boy! May kausap siyang lalaki, classmate niya siguro.

Dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan niya. Nakatagilid siya sa'kin kaya hindi niya ako napansin. Pag lapit ko sakanya hinawakan ko siya sa braso at pinihit paharap sa'kin.

Nang nakita niya ako, bigla siyang ngumisi.

"Siguro insecure ka sa boyfriend ko kaya sinabi mo sa'kin yun ano? Gusto mo siguro magkasira kami!!" halos mapatid na ang ugat ko sa kakasigaw sa kanya. Pero ang loko nakangisi lang.

"Insecure? Of course not. Gusto magkasira kayo? I don't even know you and your boyfriend"

"eh bakit nasabi mong nakipaghalikan yung boyfriend ko sa iba?" Nakaagaw na kami ng pansin. Ang dami ng nakapalibot samin pero wala akong pakielam.

"Ang cheap kasi ng boyfriend mo, nakikipaghalikan lang sa gilid pa ng kotse ko" Nalaglag ang panga ko. So nakita niya talaga si Macky na nakikipaghalikan sa iba? Namumuo na ang luha sa mata ko, ang sakit. Pero hindi, hindi ko pa din talaga dapat paniwalaan tong lalaking to.

"Sinungaling. Hindi ako naniniwala sayo"

"Hindi ko hinihingi na maniwala ka." Yun lang ang sinabi niya at umalis na, samantalang ako halos mabato sa kinatatayuan ko.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon