Chapter 5

66 0 0
                                    

"Bakit mo ginawa i'yon?" Bulyaw ko kay Xander pero ang loko nakangiti lang.

"Ha? Ang alin?" maang-maangan kuno niyang sabi.

"Yung...yung.. Akbay! Seloso si Macky kaya for sure nagseselos na i'yon"

Pagkasabi ko niyan nawala ang nakakaloko niyang ngiti at biglang nagseryoso.

"Seriously, ha? Pagkatapos ka niyang lokohin iniisip mo pa din ang mararamdaman niya? Bakit, inisip niya ba ang mararamdaman mo bago siya manloko?"

His words hit me. Napatunganga ako. Wala akong masabi, tama naman kasi siya. Bakit ba kasi iniisip ko pa din ang kapakanan ni Macky? Nakatingin lang si Xander sa'kin na para bang alam niyang natauhan ako sa sinabi niya ganoon din si Hany.

"Wala kang pake!" ayan lang ang tangi kong nasabi. Narinig ko namang natawa si Xander sa sinabi ko.

"Tara na nga hatid na kita sa klase mo" sabay hawak sa kamay ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya.

"Ay hindi Xander, Ako na ang bahala kay Janella." Pa-cute na sabi ni Hany. If i know crush niya itong si Xander.

"It's okay. Ako na ang bahala." sabi niya sabay hila sa'kin.

"wait. wait. wait" sabi ko habang tinatanggal ang pagkahawak niya sa kamay ko.

"May paa ako, may utak ako, may mata ako in other words kaya ko ng pumunta sa klase ko." sabi ko. Sabay tanggal niya sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Tumalikod ako pero hindi pa ako nakakalayo nakahawak ulit siya sa kamay ko. Ka'y kulit na bata!

"Ihahatid na kita." sabi niya sabay hila ulit. Nakakaagaw na kami ng atensyon. Xander ba naman kasama ko eh, ang prinsipe nila.

"Kapag ihahatid kailangan nakahawak sa kamay?" napansin ko kasi hawak siya ng hawak. Napatingin naman siya sa kamay niyang nasa kamay ko at bigla tinanggal. Napaiwas na lang siya ng tingin.

"At isa pa. Kung nakokonsensya ka lang kasi ang pinsan mo ang nang-agaw sa boyfriend ko, wag mo na itong gawin. Sapat na sa'kin na tinulungan mo kong malaman kung ano ang totoo."

Totoo naman eh. Kaya niya lang ginagawa ito kasi nakokonsensya siya. Tumalikod na lang ako at nagsimula ng maglakad ng nagsalita siya.

"Unang-una sa lahat wala akong pake. Ihahatid lang sa klase nakokonsensya na agad? Hindi ba pwedeng magkatabi lang kasi tayo ng klase?"

asdfghjkl. Pisti itong lalaking ito. Kala ko ba masungit ito? Eh, bakit mas malala ata. Tsk. Kinagat ko ang lowerlip ko dahil sa sobrang inis. Inis na nga ako kay Macky pati siya nakakainis din? dafuq.

"aaaaaarrghhhhh!" tili ko sa harap niya habang naka'close fist ang dalawa kong kamay.

Hindi ko na lang siya pinansin kahit tawa siya ng tawa sa likod ko. Pisti itong lalaking ito. Hanggang sa nasa tapat na ako ng klase hindi ko pa din siya pinapansin.

"Next time wag assuming ha?" pahabol niya pa. Inirapan ko na lang siya bago ako pumasok ng klase ko.

That boy!! Habang nasa loob ako ng klase ko yung iba kong kaklase nakatingin sa'kin habang nagbubulongan.

"Janella totoo bang wala na kayo ni Macky?" tanong sa'kin ni Cindy, seatmate ko. Tila lahat ng kaklase ko naghihintay sa sagot ko sa tanong ni Cindy, lahat nakatingin sa'kin. Hindi ko alam kung paano sagutin ito. Niloko kasi ako ni Macky pero hindi ko pa alam kung wala na nga kami kasi wala pang official break up na nagaganap. Hayts napabuntong hininga na lang ako kasi maski ako hindi ko alam ang sagot.

"Good morning class!" nadismaya ang mga kaklase ko ng dumating na ang teacher namin, ako naman ay halos tumalon sa tuwa dahil kay ma'am. Aba! baka magisa ako kung hindi pa siya dumating.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon