Chapter 6

50 0 0
                                    

"Bakit andito ka?" tanong ko agad kay Macky na nakatingin kay Xander.

"Gusto kitang makausap, nang tayong dalawa" napatingin ako kay Xander, ngumiti siya then he mouthed "Don't cry." tinapik niya ang balikat ko bago umalis. Sana nga hindi ako maiyak sa kung ano man ang sabihin ni Macky, Sana. Nang nakita ko ng malayo na si Xander tumingin ako kay Macky.

"What do you want?" he clear his throat before he talk.

"I w-want to have official b-break up with Y-you." napatulala ako. May ideya na ako na ito ang gusto niyang pag-usapan pero shit, ang sakit pala pag nanggaling na sa kaniya.

"Anong dahilan! Macky, bakit? May pagkukulang ba ako at tinatapon mo na lang ako basta basta? Ano bang nagawa ko?" kumakawala na ang mga luha ko. Gusto ko ng malaman kung ano bang pagkukulang ko at bakit niya ko pinagpalit ng ganun ganun na lang.

"Maybe this is not yet the right time for us." yan lang sinabi niya at tumalikod na siya at iniwan akong mag isa, nanghihina ang tuhod at umiiyak. Kailan ba ang right time para satin Macky?

"sinabing wag kang iiyak eh" napatigil ako nang may nagsalita, pag tingin ko dali-dali akong tumakbo upang mayakap siya.

"X-xander!" para akong batang humahagulgol sa kaniya. Hinimas niya ang likod ng buhok ko.

"X-xander! S-si M-macky!"

"Pssh, just cry!" mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya habang umiiyak. Para akong nakakita ng kakampi, to think na hindi kami masiyadong close ng lalaking to.

Nang nahimasmasan na ko, napaupo na lang kami sa harap ng bahay namin. Mugtong mugto na ang mata ko kakaiyak. Ilang minuto din akong umiyak sa harap niya.

"Bakit ka nga pala bumalik?" tanong ko sakaniya. Buong akala ko kasi kanina umuwi na siya eh.

"Ha? W-wala." nauutal niya pang sabi at nag iwas ng tingin. Ang kulit ng reaksyon niya. Napatawa naman ako kaya napatingin siya sakin na nakakunot-noo.

"Anong nakakatawa?"

"Hahaha Ikaw!" tinuro niya pa ang sarili niya kaya mas lalo akong napatawa.

"Ako?"

"Oo Ikaw!" mas lalong nakunot-noo niya. Para na siyang matanda hahaha

"Bakit ako?"

"Ikaw ha! Concern ka sakin noh? Kaya ka bumalik! Yiiiie concern siya sa'kin" sinusundot sundot ko pa siya sa tagiliran kaya napapaiwas siya. Ang kulit talaga ng reaksyon niya.

"Concern your face!"

Napatawa na lang ako at hindi na siya ginulo, kahit ano palang gawin kong wag isipin yung nangyari kanina, bigla bigla na lang nag faflash sa utak ko yung nangyari. Napabuntong hininga ako kaya napatingin sa'kin si Xander. Nginitian ko lang siya.

"Paano ba mag move on?" tanong ko sakaniya. Nagkibit balikat lang siya.

"Ewan ko."

"Hindi mo alam? Ibig sabihin di ka pa naiinlove?" tumingin sjya sa'kin na parang may nasabi akong hindi maganda.

"Anong akala mo sa'kin bato? Nainlove na ko."

"Eh bakit hindi mo alam kung paano mag move on?" tumitig siya sa mata ko at ngumiti.

"Kasi wala akong balak kalimutan siya." napangiti din ako sa sinabi niya. Siguro ang swerte ng girlfriend nito. Sa tingin ko kasi grabi itong magmahal, yung tipong lahat ibibigay niya para sa mahal niya.

"Ang swerte naman ng girlfriend mo." kumonot-noo siya at sinapok ako. Ang sakit non ha?

"Bakit mo ko sinapok!!"

"Hahaha eh kasi wala naman akong girlfriend!"

Napanganga ako sa sinabi niya. Ang gulo naman kausap nitong lalaking to.

"Eh, diba inlove ka? Bakit wala kang girlfriend?" napahinto ako at tinitigan ko siya na nakakunot-noo. Kung walang girlfriend edi--- napahawak ako sa bibig ko habang nanlalaki ang mata "Don't tell me--"

"Hindi ko gusto ang iniisip mo!"

"Eh sabi mo hindi Girlfriend, eh baka boyfriend! Gosh, You're gay?" sa sinabi kong yun sinapok niya ulit ako.

"Aray ha! nakakadalawa kana!"

"Kung anu-ano naman kasi ang iniisip mo!"

"Ang gulo mo kasi, sabi mo inlove ka tapos wala kang girlfriend. Your so magulo!"

"Hindi naman ibig sabihin na inlove ka eh kailangan maging girlfriend mo. It takes time. Wait for the right time and the right place."

right time. Word for the day 'right time'.

"Kailan nga ba ang right time? Pag huli na ang lahat o hanggang sa ma'realize mo na lang na nagmumukha ka na palang tanga kakahintay ng right time na yan!"

Wala naman kasing right time. Nasasaiyo na yun kung paano maging right time ang lahat. Hindi na siya nakapagsalita sa sinabi ko. Ilang minuto bago ako nagsalita.

"Ano bang pwedeng gawin para bumalik ulit siya sa'kin? habulin ko kaya siya? magmakaawa? Ano pa ba?" napatingin agad siya sa'kin.

"That's not good idea."

"Bakit naman?"

"Stop chasing him. If he loves you, he will chase you." pagkasabi niya nyan. Tumayo na siya at umalis.


Sorry for the late and short update. Vote, comment and share :)

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon