Chapter 1

43 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas ngunit walang Macky na nagpakita. Sign ata siguro yun na totoo ang sinasabi ng lalaking yun. That boy? After that incident hindi ko na siya nakausap.

"Janella, nakikinig ka ba?" Nagulat ako kay Hany, bestfriend ko since grade school. Nakalimutan ko ng kasama ko siya dahil sa sobrang pag-iisip kay Macky.

"ha? may sinasabi ka ba?"

"lintek naman oo, kanina pa ko dada ng dada dito di ka din naman pala nakikinig"

"Ulitin mo na lang"

Nandito kami ngayon sa cafeteria, honestly, hindi ko alam na napadpad ako dito. Wala talaga ako sa pag-iisip nang dahil kay Macky.

"H'wag na! May problema ka ba Janella?"

Ay oo nga pala, hindi niya alam na may problema kami ni Macky ngayon. Sasabihin ko ba? Masiyado siyang boto kay Macky para sa'kin.

"Wala, ano ka ba" Mas pinili ko na lang na wag sabihin.

"sabi mo eh. Anyway, ang gwapo talaga ni Xander noh?"

Napahinga na lang ako ng malalim, basta talaga gwapo hindi nakakaligtas kay Hany eh.

"Sino na naman yun?" Lumaki mata ni Hany nang narinig yun. "what?" sabi ko sa kaniya.

"Hindi mo kilala ang isang Xander Guevarra?"

Ano bang meron sa Xander na yun? Well, naririnig ko ang pangalan niya lalo na sa babae pero hindi ko pa alam ang mukha nun, I dont care in the first place by the way.

"Hindi. Sino ba yun?" Mas lalo lumaki ang mata ni Hany sa sinabi ko.

"oh my gosh! Ayan ang napapala mo sa pagiging busy sa lovelife tsk"

Siguro nga. Since First year highschool ultimate crush ko na talaga si Macky Buenavista. Kaya siguro hindi ako nahilig sa mga lalaking magagwapo kasi si Macky lang talaga ang mahal ko. Speaking of Macky. Sumasakit na naman ang puso ko.

"Eh wala eh, in love" Nagkibit balikat lang ako. Umayos na ng upo si Hany, sign na magkekwento siya about don sa Xander Guevarra yun.

"Si Xander ay transferee ngayong school year lang. At dahil sa angkin niyang talento, kagwapohan, katalinuhan, kasungitan ay naging heartthrob siya dito sa school at ngayon nga po ay sikat na sikat siya." halos patili niyang sabi.

"talaga?" Yun lang nasabi ko. Hindi di din naman ako interesado kung sino man yung Xander na yun. Tsaka masungit tapos heartthrob? Mga babae talaga.

Hindi na nakapagsalita si Hany dahil may tatlong espasol este babae sa harap namin. Foundation day? Uber sa foundation ang tatlong to.

"Hey Bitch! Ang tagal na kitang hinahanap at salamat naman nakita na kita para maparusahan sa ginawa mo." sabi sa'kin ni Espasol 1. leader ata ng dalawang espasol sa likod niya na ang sama din ng tingin sa'kin.

"Hey, watch your word girl. Sino ba kayo?" Sigaw ni Hany sa tatlo.

"Hindi ikaw ang kausap ko. So, please shut your mouth!" naloka naman ang ate niyo Hany. Magsasalita na dapat siya pero naunahan siya ni Espasol 1.

"And you bitch! Kung makasigaw ka sa prinsipe namin ganun ganun na lang? Ang kapal ng mukha mo eh no?"

She called me Bitch for two times for Pete's sake. Tumataas na naman ang altapresyon ko. Tumayo ako. Nakita ko naman na nanlaki ang mata ni Espasol 2 at Espasol 3.

"before anything else, don't call me a bitch because Im not a bitch coz that is your title. And 'bout your Prince? Ni hindi ko kilala yang prinsipe niyo, paano ko pa masisigawan!"

Nakita kong naiinis na si Espasol 1.

"Hindi ako pwedeng magkamali, ikaw talaga yun!" dinuro niya pa ko, pero agad ko din tinapik.

"Siya talaga yun eh"

"Oo siya nga"

Sabat pa ng mga alipores niya.

"tara na nga Janella, wala tayong mapapala sa tatlong yan" Hinaltak ako ni Hany pero hindi pa ko nakakatalikod hinawakan ako ni Espasol 1 at pinihit sa'kanya.

"H'wag niyo ko tatalikuran hangga't kinakausap pa kayo" Ambang sasampalin niya ako. Napapikit na lang ako sa sobrang lapit ng kamay niya.

"Don't you dare lay your hand on her face!" Matigas na pag kakasabi ng isang lalaki galing sa likuran ko.

Pagdilat ko. Nanlalaki ang mata ng tatlo sa harap ko habang nakatingin sa likuran ko kung san galing ang boses kanina. Wait, His voice sounds familiar. Bago pa ako makatingin sa likuran ko nagsalita si Espasol 1.

"X-xander? I o-only p-protect y-you f-from this.. this g-girl" mautal utal na sabi ni Espasol 1.

Xander? Mean, Xander Guevarra? Yung lalaking kinikwento ni Hany?

"I don't care. Stay away from her. Get out!" Nakakatakot yung boses niya. Kaya yung tatlo halos madapa sa kakatakbo.

I think kailangan ko magpasalamat sa lalaking to. He saved me from the slap. Pag lingon ko sa likuran ko, halos tumaas ang altapresyon ko nang makita ko ang lalaki na nakangisi sa harap ko. That boy!

"You?" turo ko sa lalaking nasa harap ko na si Xander daw.

"Yes, Me" sabi niya sa'kin sabay kindat.

Spread, vote and comment :)

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon