Chapter 2

40 0 1
                                    

"You?"

"Yes, Me" sabay kindat.

Hindi pa din ako makapaniwala, Si That Boy at yung Xander ay iisa. Siya ba yung heartthrob? Eh mas lamang pa si Macky jan eh. Macky na naman.

"Ja, magkakilala kayo ni Xander?" tanong sa'kin ni Hany. Ja short for Janella.

"Hindi." mabilis kong sabi. Nakita ko naman tumawa si Xander.

"Hindi mo pala ako kakilala?" Nag-iwas ako ng tingin. Bakit nakakatawa pa tong lalaking to? pisti.

"Hindi. Sino ka ba? Ni hindi ko nga alam pangalan mo eh" sabi ko.

"Ok." Nagkibit balikat lang siya, bago siya makatalikod nagsalita siya "Alam ko kung nasan siya"

Sino? Si Macky ba? Alam niya kung nasan si Macky? hindi ako makagalaw, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Kaba, Saya, Inis, takot. Pero mas nangingibaw ang takot. Takot akong malaman ang totoo, martyr na kung martyr pero natatakot talaga akong iwan niya ko.

Pag tingin ko sa harap ko malayo na siyang naglalakad, dali-dali akong hinabol siya. May karapatan pa din ako malaman kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit hindi siya nagpaparamdam nang halos dalawang linggo.

"Wait." pinihit ko siya paharap sa'kin "Nasan siya?" nakita kong umiling siya.

"Are you sure you want to know?" Nag-iwas ako ng tingin, Am i sure? Idunno. Pero may karapatan akong malaman.

"Yeah" simpleng sagot ko. Nagulat ako ng hinaltak niya ako.

"wait, sa'n tayo pupunta?" hawak hawak niya ang kamay ko habang mabilis siyang naglalakad. Hindi niya ko sinagot. Nakarating kami sa parking lot, tumigil kami sa isang kotse, kotse niya siguro to.

"Pasok." nakatingin lang ako sakanya. baka kung san niya ko dalhin, baka babawi siya sa'kin kasi sinigawan ko siya sa harap ng fans niya.

"San mo ba ko dadalhin?" sigaw ko sakanya. Napahawak naman siya sa Noo niya na parang hinihilot, naiinis na ata siya.

"Akala ko ba gusto mo malaman kung san?"

"Sabihin mo na lang sa'kin kung san, ako na lang mag-isa pupunta" Umalis siya sa harap ko at pumunta sa driver seat. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at tumingin sa'kin.

"Hindi ko sasabihin kung saan, pupuntahan natin. Now, gusto mo ba puntahan o hindi?" Sigaw niya sa'kin. Natakot naman ako, kasi nakakatakot talaga siya sumigaw. Dali-dali akong umupo sa passenger seat.

"Sungit." sabi ko habang sinusuot ang seat belt, mahirap na baka barumbado to mag drive noh. Nakita ko naman siyang ngumisi sa sinabi ko.

Buong biyahe tahimik kami, walang nag sasalita. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Nagtext pala si Hany.

Hany:

Nasan ka na? bakit mo kasama si Xander? May nangyayari ba na di ko alam?

Hindi pa nga pala niya alam. Sasabihin ko ba? haay, siguro h'wag na, ayoko masira si Macky kay Hany.

Hindi ko na lang siya nireplyan. Tinago ko na ang cellphone ko. Nakatungo lang ako habang pinaglalaruan ang kamay ko. Kinakabahan ako, Natatakot.

Bakit ba kami humantong sa ganito? Akala ko perfect ang relationship namin, hindi pala. Bumuntong hininga ako.

"Nandito na tayo" nakahinto na pala ang sasakyan ng di ko alam. Nagulat ako nang nasa tapat kami ng isang malaking bahay, mas lalong sumakit ang puso ko. Mas lalo akong kinabahan at natakot.

"B-bakit tayo nandito?" nakatingin pa din ako sa bahay kung saan daw nandun si Macky.

"You will see" dahil sa sinabi niya mas lalo akong natakot. Lumabas na siya, umikot siya para pagbuksan ako ng pinto.

Paglabas ko, hindi ako makalakad sa sobrang panginginig ng tuhod ko. Hinawakan ako sa kamay ni Xander, gusto kong alisin ang kamay niya kasi baka makita ni Macky, baka magselos yun, pero wala akong lakas para alisin ang kamay ko sa kamay niya.

"You looked tense." Hinaltak na ko ni Xander papasok sa bahay.

"Wait. Bakit tayo papasok? Baka sabihan tayo ng trespassing" sabi ko sakanya. Pero ang loko nakangiti lang.

Nakapasok na kami sa loob ng bahay, ang mga katulong ay binabati siya. Kanino ba talaga tong bahay?

"Where's Katrina? Pakisabi bumaba siya dito" sabi ni Xander sa katulong. Umalis ang katulong para tawagin ata yung Katrina.

"Sino si Katrina? At kanino tong bahay, bakit kilala ka ng mga katulong?" tanong ko sakanya, pero ni isa wala siyang sinagot.

May pababang babae sa hagdan. Ang ganda niya. Pero hindi siya nag-iisa, may kasama siya.

"Macky?"

"Janella?"

Wala akong natatandaan na may kamag-anak siyang pangalan Katrina, lagi akong kasama sa reunion ng pamilya nila kaya halos ng kamag-anak niya kilala ko.

Lumalakas ang tibok ng puso ko at mas lalong sumasakit.

"So, magkakilala pala kayo? Kaano-ano mo siya?" tanong ni Katrina, ang sarap sabihin na "Girlfriend niya ako" pero wala akong lakas sabihin, hinintay ko magsalita si Macky para sagutin ang tanong ni Katrina

"A friend"

A friend? Hindi tayo magkaibigan Macky. Girlfriend mo ko! Nanlalambot na ang tuhod ko. Nakita ata i'yon ni Xander kaya hinawakan niya ako sa kamay.

"Tara na!" Nakatingin si Macky sa magkahawak namin kamay ni Xander, tinanggal ko yun. Tinanggal ko yun para sampalin si Macky.

Nagulat si Katrina sa ginawa ko. Dali-dali akong lumabas, tumakbo ako. Kahit di ko alam kung san ako pupunta, kahit hindi ko alam ang lugar na ito. Ang gusto ko lang makaalis sakanila.

Habang tumatakbo ako, may humaltak sa'kin at niyakap ako.

"He doesn't deserve your tears" Sa sinabi ni Xander, mas lalo akong umiyak. Ang sakit.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon