Chapter 3

47 0 0
                                    

"Tell me! Sino yung babaeng kasama ni Macky!" Sigaw ko kay Xander. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, umiiyak na ko sa harap niya. Ang sakit sakit, para akong binibiyak sa sobrang sakit ng puso ko.

Napatungo siya. Hawak hawak niya pa din ang magkabilang braso ko.

"Please Xander, tell me! Sino yung Katrina'ng yun?" hindi pa din nagsasalita si Xander.

Gulong-gulo ako, nasasaktan ako. Ano bang nangyayari samin ni Macky, hindi naman ako nagkulang sakaniya eh, minahal ko naman siya pero bakit ganito ang isusukli niya sa'kin?

Nanlalambot ang tuhod ko, imbis na tumakbo palayo unti-unti akong naluluhod sa harap ni Xander.

"Fuck!! Stand up! Ano ba!" pilit akong itinatayo ni Xander pero hindi ko kaya, masiyadong nanghihina ang tuhod ko.

Iyak lang ako ng iyak sa harap niya. Umupo siya sa harap ko para mapantayan ako. Pinunasan niya ang luha ko at hinawi ang mga buhok na tumabing sa mukha ko.

"His Girlfriend." napatingin ako sa kaniya. his girlfriend.

"his what?" nabingi ata ako sa sinabi niya.

"Katrina is Macky's Girlfriend" tumigil ang mundo ko. Mas masakit pala pag sinabi na sayo ng tuluyan. Tumataas na naman ang altapresyon ko, nawawasak at the same time.

"No! He can't do that, he can't cheated on me."

Nagsisimula na naman ako magwala sa harap niya. Gusto ko makawala, gusto ko makita si Macky, gusto ko marinig kay Macky na ako lang ang mahal niya! Ako lang!

"Sabi niya.. Sabi niya ako lang eh.. Ako lang!" niyakap niya ako. Ang sakit sakit. Hindi ko kaya mawala siya, ayoko.

Nagising ako ng ang sakit sakit ng mata ko. Tsaka lang bumalik sa alaala ko ang nangyari. Wait! Asan ako? Tumingin ako kung san ako nakatulog, nasa kotse ako. Bakit ako andito? Nilingon lingon ko ang buong kotse, nasan si Xander?

"Gising ka na pala"

Lumingon ako sa labas ng bintana kung san andun si Xander. Pumasok siya ng kotse at inalok sa'kin ang tubig na hawak niya.

"Inom ka muna, okay ka na ba?" tanong niya sa'kin. Tinapik ko ang kamay niya para ilayo sa'kin ang tubig niyang hawak.

"Anong nangyari? Nasan tayo? Nasan si Macky?" Sunod-sunod kong tanong.

"Nawalan ka ng malay, ihahatid na sana kita kaso hindi ko alam kung san ka nakatira, i don't even know your name" hindi niya sinagot kung nasan si Macky.

Sinabi ko sakaniya kung san subdivision ako nakatira. Hindi ko na kaya mag commute kaya nagpahatid na lang ako sa lalaking to. Like what he said, he don't know my name.

"Paano mo nalaman ang tungkol kila Katrina at Macky?"

Parang may tumusok sa dibdib ko nang tinanong yun. Maski ako nasaktan. Hindi siya sumagot, wala ata siyang balak sagutin.

"Please answer me!" tumingin siya sa'kin, tinignan ko siya sa mga mata. Bumuntong hininga siya.

"Katrina is my cousin. Nung una di ko alam until i saw them kissing in side of my car. Then i saw you with him, obviously he is two timer"

Kinagat ko ang lower lip ko para pigilan ang luha ko, pero ang taksil kong mga luha ay traydor. Kumawala silang kusa. Tumingin ako sa labas ng kotse para hindi ako makita ni Xander na umiiyak, sapat na ang kahihiyan kong dulot sakaniya.

"I told you, he doesn't deserve your tears" tumingin ako sakaniya habang kumakawala ang luha galing sa mata ko.

"Wala akong magagawa eh, kundi umiyak. Masakit, Sobra." tuloy-tuloy pa din ang luha ko. Hindi ako nag atubiling punasan ito dahil wala din mangyayari.

Pagkatapos ng sinabi ko, wala ng nagsalita. Binalot kami ng katahimikan. Tuloy-tuloy pa din luha ko. Huminto kami sa tapat ng bahay ko, dali-dali akong lumabas ng kotse niya hindi na din ako nag atubiling magpasalamat sakaniya.

Pagkapasok ko ng bahay, napasandal na lang ako sa likod ng pinto. Hinawakan ko ang puso ko, nakakainis tumitibok pa din siya kay Macky sa kabila ng ginawa niya sa'kin.

Iyak lang ako ng iyak habang nakasandal sa likod ng pintuan, wala akong lakas para lumakad. Macky, bakit mo nagawa ito sa'kin? Sabi mo ako lang eh! Bakit Macky!

"Bakit mo pa kasi pinatulan ang mga lalaking i'yon? ayan tuloy nabugbog ka! Dapat hinayaan mo na lang hindi naman nila ako hinipuan or what!!" sigaw ko kay Macky, may mga lalaki kasing ang lagkit tumingin sa'kin at itong lalaking ito sinapak agad yung isa kaya hayan, nabugbog. Apat ang mga i'yon at isa lang siya. Mabuti na lang at may mga pulis na dumating.

"Gan'on talaga pag prinsesa pinoprotektahan." napangiti ako sa sinabi niya. He treat me like a real Princess.

"Kahit na! Dapat hindi mo na ginawa i'yon, nasaktan ka tuloy."

"Okay nang ang Prinsipe ang masaktan h'wag lang Prinsesa niya, tungkulin ng Prinsipe na protektahan ang Prinsesa kaya i'yon ang gagawin ko."

Akala ko ba hindi dapat masaktan ang Prinsesa, Macky? Bakit ang Prinsipe mismo ang nananakit sa'kin?

"Pagod na ako! ayoko na mag jogging"
sabi ko kay Macky, andito kasi kami ngayon sa park kung saan kami nag jajogging. Naka eight rounds na kami kaya eto pagod na pagod na ako at naupo sa isang upuan doon. Pero itong lalaking to pinipilit pa din ako mag jogging.

"Baby naman, nakaka eight rounds pa lang tayo eh! Tumayo ka na dyan!" Pinipilit niya pa din ako. Hinawakan niya ang kamay ko at pilit tinatayo pero dahil sobrang pagod na ako hindi ko hinahayaan maitayo niya ako.

"Pasan mo na lang ako!"

"Ayoko, ang bigat mo kaya! tara na mag jogging na tayo"

"Pasan mo ko baby, sige na! Please?" sabi ko sakaniya habang nag papuppy eyes. Hah! hindi naman siya makakatanggi noh! konting pilit ko lang dyan o-oo na yan, aba siyempre mahal niya ako eh!

"Ayoko!"

"Ah ganon? akala ko ba...."

"oh eto na nga eh!" hindi niya na ako pinatapos dahil alam niya na ang sunod kong sasabihin hahaha umupo na siya sa harap ko, isinabit ko naman ang dalawa kong kamay sa leeg nya at sinumalan na akong pasanin

"Nako! Kukwestyunin mo na naman pagmamahal ko sayo, oh hayan! dahil mahal kita pinapasan kita kahit ang bigat bigat mo!"

Kapag ba kinuwestyon ko ulit ang pagmamahal mo sa'kin babalik ka ba? Macky, akala ko ba....mahal mo ko bakit mo ko sinasaktan ng ganito?


Macky: Baby anong gusto mo for snack?

Pag tingin ko sa cellphone ko ayan ang nabasa ko kaya nireplyan ko siya.

Large Mcdo fries, chicken sandwich and Ice cream, cookies and cream yung flavor ha?

Pag text ko niyan, hindi na siya nagreply. Baka nainis dahil ang dami kong request. Kaya tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot kaya tinext ko ulit siya.

Hoy ano na? hindi na nagreply? tsk.

After 30minutes tumawag siya.

"Oh tumawag ka pa?"

"Baby sorry, nandito na ako sa harap ng house niyo dala ko na ang request mo"

Nagulat ako sa sinabi niya, nakakatuwa tinotoo niya talaga. Dahil sa effort na ginagawa niya mas lalo akong napapa'inlove niya.

Macky hindi ko na kailangan ang mga pagkain, ang gusto ko lang bumalik ka! Patuloy pa din nag paflashback sa utak ko ang mga memories namin dalawa hanggang sa nakatulog na lang ako.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon