Chapter 11

25 0 0
                                    

"Goodmorning manang." bati ko kay Manang Del pagkababa ko pa lang ng hagdan.

"Tamang tama hija nakapagluto na ako. Kumain ka muna bago ka pumasok."

Nagtungo na ako sa kusina para kumain. Habang nagsasandok ako nagulat ako kay Manang Del na nasa likod ko, sinundan niya pala ako. Pag tingin ko kay Manang parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi sabi.

"Sabihin niyo na yan Manang."

Sabi ko pagkaupo ko. Matagal siya bago magsalita, alam ko naman itatanung niya eh.

"Hija wala na pala kayo ni Macky?"

Expected. Boto si Manang kay Macky dahil ang akala niya mahal ako ni Macky. D'un siya nagkakamali dahil lahat nang y'un palabas lang.

"N'ung nakaraan buwan pa ata Manang."

"Hindi niyo na naayos?"

Tumingin ako sa kaniya habang nakangiti, the fake one.

"Sinaktan niya ako, pinagpalit niya ako. Masaya na siya sa bago niya"

Nagulat naman si Manang habang ako parang may kung anung kumirot sa puso ko. Masanay ka na Janella.

"Nagawa y'un ni Macky? tsk tsk kala ko pa naman--"

"Akala ko din Manang. Magaling lang pala siya magpanggap."

"Eh d'un sa bago mo. Ano ba ulit pangalan n'un?"

"Xander po."

"Mahal mo ba siya?"

Napatigil ako sa tanong ni Manang. Napaisip ako. Hindi naman na mahalaga kung mahal ko siya eh, kasi nagpapanggap lang kami.

"Kung hindi mo siya mahal ay itigil mo na kasi masasaktan mo lang siya. Mukhang seryoso yun sayo hija."

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni Manang. Si Xander seryoso? Hahahaha! Yun ang akala ni Manang.

"Manang, kami ni Xander ay nagpapa--"

"Goodmorning"

Pag tingin ko kung saan galing ang boses na yun ay napatayo ako.

"Anung ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ang Girlfriend ko."

"Ang aga pa kaya! 6am pa lang oh? eh ang klase natin 8:30am pa"

Masyado naman tong lalaking to. Ni hindi pa nga ako nakakaligo eh. Hindi naman niya ako pinansin. Napapabuntong hininga na lang talaga ako.

"Maliligo na ako! Saglit lang ako. Umupo ka muna dyan o kaya kumain ka muna."

"Ok."

Bipolar talaga ang lalaking to. Kanina ang sweet ng pagkasabi ng 'Goodmorning' ngayon ang sungit na.

Pumasok na ako sa c.r at nagsimula nang maligo. After 15 minutes natapos na din. Sa c.r na din ako nagbihis at nag ayos para mas mabilis. Pag tapos ng everyday ritual ko lumabas na ako. Paglabas ko si Xander ang una kong nakita.

"Hooooy! Anung ginagawa mo dito sa kwarto kooo!"

Nagulat naman siya. Tumingin lang siya sakin saglit tapos tumingin agad siya sa mga picture frame sa ibabaw ng study table ko.

"Sinu to?" tanong niya sakin habang hawak ang isang picture frame. Napangiti naman ako sa nakita ko. Dalawang bata na magkaakbay.

"Yung babae ako at yung lalaki si Bilog."

"Bilog?"

"Oo, kababata ko. Ang taba niya kasi eh kaya bilog tawag ko sa kaniya." sagot ko habang nagbo-blower.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon