Ilag

851 24 0
                                    

Masasabi mong wala talagang forever sa relasyon niyo kapag...

-Kaunting away niyo lang gusto na makipaghiwalay, hindi siya natatakot na mawala ka kasi nga may reserba. Tapos kapag hindi nagwork paglalandi sa iba babalik ulit sa'yo. Dahil alam niyang marupok ka at alam niyang mahal na mahal mo siya. Hindi lahat deserve ang second chance so kapag ibibigay mo siguraduhin mong alam mong deserve niya.

-Kapag hindi ka na niya masamahan kahit kaunting oras lang. Yung laging busy lalo na sa computer at sobrang ginagalit ka niya talaga kasi nga ayaw na niya sa'yo at gagawa na siya mismo ng paraan para ikaw na ang lumayo sa kanya.

-Kapag nalilimutan na ang monthsary niyo kapag pinapaalala mo lang ulit saka niya ito maalala. Malaking bagay ito dahil kapag importante sa'yo ay dapat hindi mo makakalimutan.

-Kapag laging hawak ang cellphone at may password na dati alam mo pero ngayon hindi na dahil may tinatago na siya sa'yo.

-Sweet sa'yo kasi may nagawang kasalanan. Yung sweetness na hindi niya pa nagagawa. Yung nakakabother na sweetness. Sa sobrang sweet niya sa'yo pati sa iba sweet na rin siya.

-Sasabihin niya sa'yo na  ayaw na niya at sawang-sawa na siya sa'yo kahit ang totoo ay bago pa lang kayo.

Bato bato sa langit tamaan aray!

Walang Forever: Ang Libro ng mga BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon