Realtalk tayo

1.2K 41 0
                                    

Susubukan ko maging bitter kuno sa mga susunod niyong mababasa.

Being in a relationship...

-Puyat sa pakikipag-usap sa karelasyon, kaya ang kapal ng eyebags.

-Concern kung kumain o nagskip ng meal ang karelasyon, kaya kapag hindi pa kumakain magagalit kasi magkakasakit daw.

-Hindi nauubusan ng topic sa text o chat kaya nakakapagod minsan. Ganadong-ganado, lahat na napag-usapan. Sa sobrang sipag makipag-usap paulit-ulit na lang ang topic minsan.

-Bawal tumingin sa iba. I mean yung tingin lang na walang pagnanasa. Kasi kapag nakita ka na nakatingin sa iba asahan mong away na 'yan.

-Dapat may load ka lagi, kaya magastos. Ilang milktea at pagkain na mabibili mo sa pangload.

-Seloso o selosa pa minsan yung karelasyon nakakasakal. Minsan wala na sa lugar ang pagseselos OA na kumbaga.

-Date nang date ang gastos para sa dalawa. Yung pangdate sa dalawa date mo na sa sarili mo.

-Kailangan magpaalam sa karelasyon kung may gagawin o pupuntahan, kaya nakakapagod na minsan.

-Andaming bawal. Sobrang nakakasakal na.

-May nakatext o nakachat ka lang andami ng tanong sa'yo minsan pati kapamilya mo pagseselosan na rin.

-Inspiration nga ba o distraction?

Being Single:

-May time sa friends

-Naiilibre pa ang friends

-Nakakagala kahit kailan gusto, yung walang pagbabawal.

-Makakapag-FB, IG, Twitter ka ng walang istorbo.

-Focus ka sa pag-aaral hindi na kailangan ng time management.

-Wala masyadong pagkakagastusan. Gastos lang sa sarili.

-Hindi na kailangan ng masyadong load, kapag may emergency lang.

-Pwede ka tumingin at magkaroon ng paghanga sa iba kahit ilan pa.

-Walang sakit sa ulo.

Walang Forever: Ang Libro ng mga BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon