ALAK at IYAK

420 13 0
                                    

Ang alak ay hindi sagot sa break-up.

Kapag nalasing ka ba mawawala ang sakit?

Kapag nalasing ka ba magiging masaya ka ulit?

Kapag nalasing ka ba magiging taken ka ulit?

O ang mas malupit kapag naglasing ka ba magiging forever na ba ulit?

Pero sa lahat ng mga tanong na yan bakit ang sarap maglasing after break-up? Kasi kahit papano namamanhid ka sa lahat ng sakit. Kahit papano kapag lasing ka na sasakit lang ang ulo mo at makakatulog nang mahimbing.

Walang naidudulot na maganda ang alak pero huwag tayong maging hipokrito dahil alak lang naman ang nasasandalam mo kapag iniwan ka na ng lahat.

Walang Forever: Ang Libro ng mga BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon