Chapter 11

27 5 0
                                    

Everyone went on silence. That caught me off guard. How did she know that? Wala akong maalalang binanggit ko 'yon sa kanya.

Kinakabahang tumawa si Seb sa gilid. Narinig ko rin ang mahinang mura nito.

"How did you know her?" Tanong ni Ash.

"Sinabi ni Gab sa'yo?" Hindi ko na naintindihan kung sino sa kambal ang nagsalita. Nakatitig lang ako kay Sky, pilit inaalala kung kailan ko binanggit ang pangalan ni Heaven sa kanya. When is that? Wala akong maalala. Paano niya nalaman 'yon?

Sunod-sunod ang naging tanong nina Seb sa kanya. Mukha na silang nagpa-panic dahil doon. Of course, they witnessed how broke I was when she died. Marinig ko lang noon ang pangalan niya ay sobrang pagwawala na ang ginagawa ko. They never mentioned her name in front of me dahil alam nila ang nagiging reaksyon ko doon.

We never talked about her. Wala silang ginawa na makakapag-paalala sa'kin sa kanya. Madaldal sila at sira ulo pero alam nila kung kailan dapat tumahimik at magseryoso.

"Ayoko na pala maglaro! K-kain na lang tayo!" Yaya ni Isaiah sa lahat.

"O-oo nga! Gutom na ako. Parang ang sarap ng sisig ngayon." Humawak pa si Isaac sa tiyan nito.

"Um-order na kayo!" Ipinagtulakan na sila ni Sebastian.

"Huh? Nagsisimula pa lang ang game ayaw niyo na agad?" Kunot-noong tanong ni Nadia.

"Nagutom kami eh. Kain na lang tayo. Sumama ka na lang samin!" Wala pang sagot si Nadia ay hinila na siya ng dalawa at pinagtulungang buhatin. Nagtitili pa ito at sumigaw.

"Shuta naman oh! 'Wag niyo akong buhatin! Anghel tulong!"

Wala namang naging reaksyon si Sky dahil titig na titig ito sa'kin. Naiwan kami nina Seb, Ash, ako at siya dito. Walang nagsasalita samin. Naririnig ko ang pagbubulungan nina Seb at Ash pero hindi ko naman maintindihan.

Sky blink innocently. "May.. nasabi ba akong hindi maganda?" She asked. Tumawa si Seb pero halatang pilit iyon.

"Wala! Wala naman Sky! 'Wag mo na lang pansinin ang mga ugok na 'yon!" Kabadong sabi nito at nagkamot ng ulo. Sa paraan ng pagsasalita nito ngayon at sa reaksyon nila kanina ay talagang iisipin ni Sky kung may nasabi ba siyang hindi maganda.

"Eh anong arte niyo kanina?" She asked again. Kunot ang noo niya at salubong ang kilay. Maya maya ay nanlaki ang mata nito at napatakip ng bibig. Humarap ito sa'kin na ganoon ang itsura.

"Oh my gosh!" Sigaw niya. Ako naman ang napakunot ang noo. What's with her reaction?

"Foul ba ang nasabi ko?! Hala! Bakit ngayon ko lang na-realize?! Hala, Gab! Sorry! Hindi ko alam! Hindi ko alam! Sorry!" Hinawakan nito ang kamay ko at todo hingi ng tawad.

"It's okay." Tipid na sabi ko.

"It's okay!" Sabay kaming napalingon kay Seb dahil sa sigaw niyang iyon. His looking at me with disbelief in his eyes.

"Bakit?" Tanong ni Sky. Hinila ako ni Seb at lumabas muna kami ng VIP room.

"Ganon lang 'yon! Wala kang gagawin?! Ni wala kang reaksyon noong sinabi niya 'yung pangalan ni Hea– ah basta ayon! Wala ka talaga gagawin?!" Histerikal na sabi niya.

"What do you want me to do? Gusto mo bang gawin ko 'yung ginagawa ko noon kapag naririnig kong binabanggit ang pangalan ni Heaven? Do you want me to beat her?"

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin!" He looked so frustrated. Ilang beses na nitong ginulo at sinabunutan ang sariling buhok.

"Eh ano ba ang ibig mong sabihin?"

Loving a DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon