Chapter 7

23 7 0
                                    

"Gab.. Gab.. Gab.." mahihinang tawag sa pangalan ko ang nakapag-pagising sa'kin. Napabangon ako agad ng makitang wala ako sa kwarto at nakahiga ako sa tapat ng isang hospital. Walang katao-tao sa paligid. Why am I here?

"Gab.." napalingon ako sa entrance ng  hospital ng marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Bigla akong natigilan, nanlaki ang mata ko ng makita si Heaven na nakatayo doon. Walang emosyon ang kanyang mukha, bagay na bihira ko lang makita dahil palagi siyang nakangiti.

"Heaven.." bulong ko bago tumayo. I was about to go near her but I got stunned when a tear in her eye fell.

"Why Gab? I waited for you that day. You promised to be with me all the time. You promised to prioritize me more than anything. Pero bakit wala ka noong kailangan kita? Bakit hindi ka nagpakita? Naghintay ako.. naghintay ako pero hindi ka dumating." She started sobbing. Parang may sumaksak sa puso ko habang naririnig ang mga sumbat niya. Hindi ako nakapagsalita at tinitigan na lang ang lumuluha niyang mukha.

"You broke all your promises. Sabi mo ako lang ang mamahalin mo. Sabi mo hinding-hindi ka na magmamahal ng iba bukod sa'kin. Pero bakit may siya ngayon sa buhay mo? You care for her. Nawawala na ako sa isip mo dahil sa kanya. Why Gab? Why do have to find someone else to replace me? Why didn't you keep your promise? I hate you.."

Kumabog ang puso ko sa kaba ng marinig ang sinabi niya. Wala man siyang pangalang sinabi ay kilala ko na ang tinutukoy niya.

Sky..

"Heaven, it was not like that. She's just a friend. No one can replace you, love."

"No. Mas mahalaga na siya kaysa sa'kin. Hindi mo nga ako madalas na binibisita. You always have time for her pero ako na girlfriend mo wala ka nang pakialam."

"Heaven, no. Please, love it's not like that. It will always be you. Just you." Malambing na sabi ko sa kanya.

"Liar."

"I love you, Heaven."

"Liar! You love her more than me! I hate you!" Halos mabingi ako sa sigaw niya. Nanlaki ang mata ko ng makitang ang luha niya ay nagiging dugo.

"Heaven.." nagtangka akong lumapit pero napatigil din ng mas lumakas ang iyak niya.

"I hate you! I hate you! I hate you! I hate you!" Ngayon pati ang damit niya puro dugo na.

"Heaven.."

"I hate you!"

"Heaven!" Napabalikwas ako ng bangon. Hinihingal at pawisan kahit malakas ang aircon. Nilibot ko ang tingin sa paligid. I'm in my room. Napasabunot ako sa aking buhok at napapikit.

"Fuck!" Sumandal ako sa headboard at tumingin sa kisame. A fucking nightmare again. Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang puso kong sobrang bilis pa rin sa pagtibok. 

Tumingin ako sa orasan sa gilid. It's fucking one in the morning. Bumangon at nagbihis. I know I couldn't sleep again kaya naman magba-bar na lang ako.

Tahimik akong lumabas ng kwarto, madilim sa hallway dahil patay lahat ng ilaw at tanging maliliit na ilaw lang sa sala ang bukas. Nagsuot ako ng jacket bago lumabas ng bahay. Pinatunog ko ang sasakyan bago pumasok at nag-drive paalis.

I was busy drinking but my eyes were looking for something.. or someone. Pero natigilan din ako ng maalala ang sinabi ni Heaven sa panaginip ko. Bigla akong nakaramdam ng guilt. But I instantly brushed the thought away. The real Heaven will never say things like that. She's kind and understanding. Noong nandito pa siya, kahit isang beses hindi kami nag-away dahil sa isang babae. Hindi siya selosa at hindi siya katulad ng iba na paranoid.

Loving a DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon