Chapter 8

27 7 0
                                    

"Last time ang nabalitaan ko muntik ka nang mapaaway tapos ngayon napaaway ka na talaga! Wow naman Gab! Anong dahilan? Ay mali pala.. sino ang dahilan?" Malawak ang ngisi na tanong sa'kin ni Seb.

Agang-aga ay nandito na naman sila sa bahay namin. May klase sila pero kung ano-ano ang inaatupag. Inaantok pa ako pero hindi ako makatulog dahil ang la-laki nilang epal. Ang sakit pa ng ulo ko. Damn hangover.

"Tingnan mo 'yung pasa sa gilid ng labi niya. Pati sa kanang pisngi." Rinig kong bulong ni Isaiah sa kakambal niya.

"Oh anong meron? Kung sasabihin mong masakit 'yon alam ko ang pakiramdam. Nagkaganyan na din ako 'no! Gusto mo subukan natin sa'yo para parehas na kayo?"

"Gago! Ibig kong sabihin parang nagamot na. Sa tingin mo, sino ang gumamot?" Napatingin ako sa kambal. Nakangisi ang dalawang ito habang nakatingin sa'kin. Huminga ako ng malalim bago tumungo. I'm really sleepy.

"Sinong gumamot sa'yo, Gab?" Tanong ni Ash habang nakasandal sa sofa.

"Pansin ko lang ha, ginagawa niyo ng tambayan sa umaga ang bahay namin. Umalis na kayo. Gusto ko pang matulog."

"Iniiba ang usapan! May naaamoy akong malansa!" Tumawa si Seb ng malakas. Ako naman ay napapailing na lang. Crazy idiot.

"Hello mga hijo. Nandito pala kayo. Kumain na ba kayo? Maraming pagkain sa kusina, kung nagugutom kayo kumuha lang kayo." Sabi ni mom na kabababa lang ng hagdan. Ready na ito sa pagpasok sa trabaho.

"Hello po, tita! Buti pa kayo may amor sa bisita niyo. Samantalang itong si Gab hindi na nga kami inalok na kumain pinapalayas pa kami! Saan niyo ba ipinaglihi 'to? Sa sama ng loob ba?" Pagsusumbong ni Seb bago nagmano kay mom na sinundan naman ng tatlo.

"Anong sa sama ng loob? Ang sabihin mo ipinaglihi si Gab sa yelo! Daig pa ang Antarctica sa sobrang lamig! Kapag katabi mo 'yan hinding-hindi ka makakaramdam ng init. Aircon 'yan eh!" Segunda ni Isaac.

"Oo tapos minsan hindi mo pa nararamdaman 'yung presensya niya kasi tahimik! Super tahimik! Kung hindi mo 'yata kakausapin hindi 'yan magsasalita. Gago pre, nakakakilabot. Bagay sa kanya 'yung titulong 'the quiet person'!" Malakas ang naging tawa ni Isaiah sa kagaguhang sinabi niya. Bakit kung makapagsalita ang mga gagong ito ay parang wala ako sa tabi nila? Rinig na rinig ko kayo mga ulol!

Tumawa si mom bago nagsalita. "Kayo talagang mga bata kayo, ang dami niyong kalokohang alam. Sige mauna na ako, may meeting pa akong pupuntahan. Gab, hijo ikaw na ang bahala sa mga kaibigan mo." Bilin ni mom na tinanguan ko lang. Bago siya tuluyang makalabas ng bahay ay hinalikan ko muna siya sa noo.

"Take care, mom." Pinanood namin siyang umalis sakay ng sasakyan. Nang mawala siya sa paningin namin ay inakbayan agad ako ni Seb. Muntik na akong mapasubsob sa biglaan niyang ginawa.

"Fuck." Mahina kong mura.

"Ganyan naman talaga ang gusto ko sa'yo Gabi boy eh! Napaka mama's boy!"

"Get off me, dumbass!" Malakas na tawa ang iginanti nito sa'kin.

"Anong sabi ni tita kanina?" Tanong ni Ash na nakasandal sa hamba ng pinto.

"Maraming pagkain sa kusina. Kumuha na daw tayo!" Sabi ni Isaiah at tumakbo papasok ng bahay. Agad sumunod ang kakambal nito.

"Akin 'yung cake!"

"Yahooo! Pagkain parating na ako!" Sa isang saglit lang ay nawala na si Seb sa tabi ko. Rinig ko na ang mga yabag nila papunta sa kusina. Papasok na rin sana ako ng makita si Ash na nakasandal pa rin sa hamba ng pinto.

"Oh? Bakit hindi ka pa tumakbo sa kusina?" Tanong ko.

"Hindi ako patay gutom." Sagot niya.

We both shrugged our shoulders.

Loving a DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon