Chapter 30

32 4 2
                                    

I couldn't move. I was stunned. It feels like my world just stop and all I can do is just stare at my losing sanity. I couldn't believe it. What the fuck? What the fucking fuck?! Malakas kong nasuntok ang pader ng hospital dahil sa frustration.

"Man! Calm down!" Iniharap ako ni Isaiah sa kanya. Hawak niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako sa mata. "Kalma, bro. Everything will be alright." Sabi niya pero hindi ito pumapasok sa isip ko. Mahigpit kong ikinuyom ang mga kamay ko dahil sa labis nitong panginginig. I'm so scared. So damn scared. I can't lose her. Hell, no!

"Gab, maupo ka muna dito. Ililipat na maya-maya si Anghel ng kwarto. Kumalma ka muna." I looked at Nadia. Kababakasan din sa mukha nito ang labis na pangamba.

"Did you.. know about it." I asked her as I sat beside her.

"Hindi. Kahit sa'kin nilihim niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko." Malungkot na sagot niya.

Sumandal ako sa pader ng hospital at pumikit. I need this time to process everything. She's.. damn. My baby is.. sick. Bakit hindi ko napansin? Bakit hindi niya sinabi?

Stage 3 Chronic lymphocytes leukemia. A type of cancer of the blood and bone marrow. Damn. Nang dalhin namin siya dito ay may doctor na nakakilala sa kanya. Ang sabi nito ay nagpatingin na rin ito sa kanya noong isang taon at nadiskubre na may sakit nga ito. Sinabi nito na ugaliin daw ni Sky na bumalik para ma-check up siya but she never showed up again.

Last year, same date as today. June 15. My baby's birthday. Naalala ko noong una kaming magkita, sa sementeryo 'yon. Binisita niya ang mama niya, posible kayang bago siya pumunta roon ay nanggaling siya sa hospital? The doctor said that she's in a third stage of chronic leukemia. Malala na. Damn.

Isang taon na siyang meron nito? Sana sinabi niya para naagapan agad at hindi na lumala. Why did she have to hide it? She doesn't have to keep it from me, us. Pero bakit sa nakalipas na isang taon ay ngayon lang lumabas ang sintomas? At malala na agad? Inilabas ko ang cellphone ko at nag-search tungkol sa sakit na 'yon.

Chronic Lymphocytes Leukemia is a type of cancer in which the bone marrow makes too many lymphocytes.

Many people don't have symptoms for at least few years.

Nag-search pa ako ng mga tanong na gusto kong nalaman tungkol sa sakit na 'yon. Napahilamos ako sa sarili dahil sa mga nalaman. Nanlumo ako. What have my angel done to deserve this?

Hindi ko namalayan ang oras na ginugol ko sa harap ng cellphone at nalaman ko na lang na dinala na si Sky sa kwarto niya. Nagmadali ako sa pagpunta roon. Naabutan ko sina mom at dad na nasa loob. Nakaupo si mom sa upuan sa tabi ng kama at hawak ang kamay ni Sky na nakahiga at natutulog. Todo punas si mom ng panyo dahil sa mukha at ilong dahil sa hindi maawat na pag-iyak.

Sumandal ako sa pinto at mahinang iniumpog ang ulo dito. Ngayong nakita ko siya, parang nanghina ako. Tang ina. Bakit? Lumapit ako sa tabi ni mom, nag angat siya ng tingin at sumandal sa'kin. Kinuha ko ang kamay ni Sky at masuyo iyong hinalikan.

Wake up, baby.

Tinitigan ko ang maamo niyang mukha at mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko. Lumapit ako at magaan siyang hinalikan sa noo.

"I love you.." bulong ko na sana ay narinig niya.

"Anong sabi ng doctor?" I asked after minutes of silence.

"They are still examining her. Any minute ay pwede siyang magising." Dad answered.

"Where are the others?"

"Umuwi muna sila at babalik mamaya. Si Nadia ay kumukuha lang ng damit. 'Yun nga lang ay hindi pwedeng mag-stay rito ang marami. Bawal daw ang crowded sabi ng doctor." Mabagal akong tumango sa sinabi ni mom.

Loving a DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon