Chapter 29

27 4 3
                                    

A life with Sky was so peaceful. So warm and so light that I can literally see my future with her. She feels like home. Happiness has nine letters but mine happened to have three.

I can't wait to tie the knot with her. I'm excited to wake up everyday seeing her beautiful face in the morning. Going home, forgetting the tiredness of the day because I know, she's waiting for me.

I imagine our life being so beautiful and calming but at the same time messed and chaotic. I laugh with my thoughts. Bata pa naman si Sky kaya siguro ilang taon na kami muna ang magkasama. Of course, I want to have kids but that can wait. Mag-aaral pa si Sky at hahayaan ko muna siyang abutin ang lahat ng pangarap niya bago kami mag-anak. Alam ko namang magiging masaya ako kahit kami lang muna. Of course, I will be happy. She's my happiness.

"Kailan ka kukuha ng bar exam?" Nawala ako sa pag-iisip ng tanungin ako ni Sky. Saglit akong nag-isip.

"After six months. Mag-re-review pa ako." Tumango siya sa'kin at sumandal sa balikat ko. Magkatabi kami ngayon at nanonood ng movie sa bahay namin. Sa kabilang dulo ng sofa ay naroon si Sebastian at Nadia na hindi na nanonood ng movie dahil naglalambingan na.

"Mahiya naman kayo sa mga single dito! Mas malakas pa boses niyo kesa sa pinapanood ko eh!" Inis na nagkamot ng ulo si Isaac. Natigil si Nadia at nilingon si Isaac.

"Bakit ba ang laki ng galit mo sa'kin ha? Inggit na inggit ka?" Umirap ito.

"Bakit ako maiinggit? Eh ayaw ko nga ng girlfriend."

"Ayaw mo pala eh di manahimik ka na lang. Keep your opinion to yourself."

"Ang taray." Bulong ni Isaac. Lumapit ito sa kakambal at bumulong.

"Ang sungit-sungit. Paano ba 'yan nagustuhan ni Sebastian? Jusko mahabagin! Ayaw ko talaga sa amazona." Bulong nito. Tatawa-tawa naman si Isaiah sa tabi nito. Halatang walang paki dahil nakatutok ang mata sa pinapanood.

"Hoy! Naririnig kita!" Binato siya ni Nadia ng popcorn.

"Pinaparinig ko naman talaga!"

"Ang ingay niyo. Kung ganyan lang gagawin niyo dito, just leave." Masungit na sabi ni Ash na himalang nanonood. Nagugustuhan niya siguro ang palabas, sabagay matalino 'yung bida eh.

"Tama na nga. Huwag na kayong mag-away. Parang mga bata." Saway sa kanila ni Sky.

"Oo nga. Be matured naman." Segunda ni Isaiah.

"Wow. Coming from you ha?" Sabi ni Nadia.

"Basta gwapo ako." Sabi ni Sebastian na nakapagpalingon saming lahat. Ilang minuto kaming natigilan habang nakatingin sa kanya na punong puno ng panghuhusga.

"Bakit ganyan kayo makatingin?" Kunot noong tanong nito.

"I beg to disagree!" Sabay na sabi ng kambal na nakapag-patawa saming lahat.

"Tang ina niyo! Ang papangit niyo ka-bonding!"

"Oh wait! I remember something!" Sabi ni Sky at malakas na tumawa. Napatingin kaming lahat sa kanya. " It's not about you!" Sabay turo kay Sebastian. "It's about Nadia!" Sabi niya at tumawa.

"Wow, Anghel. Englisherist ka na ngayon?" Taas kilay na tanong nito.

"Walang basagan ng trip! Naalala ko lang kasi sabi ni Nadia sa'kin noon sa cellphone na ayaw niya sa totoong tao but look at her now. In love na in love. Kumusta naman ang mga asawa mo sa anime? Inabandona mo na?"

"Anghel.. there's always an exception to everything, okay? At anong inabandona? For your information naroon lang sila sa wall ng kwarto ko no!"

"I will make you forget those 2D characters." Singit ni Sebastian.

Loving a DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon